What's new

Ang hirap ng wala kaibigan

ganyan din ako nung una, pero nitong pandemic may mga kaibigan padin pala ako. nakalaro ko sila nun dito sa shop malapit samin. ngayon pandemic dito ko talaga sila halos nakasama aha. Minsan kasi need lang natin silang balikan, tayo din kasi nakakalimot.
 
ako iniwan ko kaibigan ko dahil sa asawa ko, pero d ako nag sisisi.

madali lang mag karoon ng kaibigan pipiliin mo lang hehehe.
Ganyan ba talaga ugali mo in real life, Kung ako naging kaibigan mo at narinig ko sayo yang sinabi mo, susuntukin talaga kita🙄
 
ganyan din ako nung una, pero nitong pandemic may mga kaibigan padin pala ako. nakalaro ko sila nun dito sa shop malapit samin. ngayon pandemic dito ko talaga sila halos nakasama aha. Minsan kasi need lang natin silang balikan, tayo din kasi nakakalimot.
Ganun din parehas tayo. May nakakabike at nakakasama din ako dati bago mag pandemya.
ngayon halos wala na, nagiba ng paglilibangan lahat ng kabike ko dati ngayon puro online games na sila lahat. gusto ko man sumali pero ayaw ko ng nilalaro nila.
 
aww gets kita sometimes naiisip ko what if kung may constant friends ako, pero sa huli mas okay sakin yung ako lang kesa ipilit ko sarili ko. dapat kasi sa kahit anong relationship organic :) pm ka lang sakin if you need a friend!
 
introvert ka cguro lods gaya ko

baka pede pa add tayo ng forum section kay boss draft
"Tambayan ng mga introverts"
😁😆✌️
 
Msron ako dati. Kaso nakalimot matapos magkajowa.
Tipong kakwentuhan, ride buddy, kasama sa food trip. Lahat na.

Sobrang okay for ilang years. Tapos nung nagkajowa pinalayo sya. Ngayon may friends naman pero hindi katulad nya. Sya lang yung maaasahan, hindi ka mag aalin langan na tawagan kasi alam mong genuine sya.

Ngayon kasi parang abala lang sa iba. Lungkots.
 
ok lang yan, ako rin ganyan mas ok na yan kasi sanay tayong magisa, kaysa may kaibigan ka nga tapos sa huli mag kakaproblema lang kayo, dami kong kakilalang ganito sa simpleng bagay pinagaawayan, palakasin mo na lang muna loob mo yun tipong kaya mo bumangon ng walang nagsasabi sayo na ang galing mo, mas better na yan kaysa umasa ka sa papuri ng iba, sensya na ts, eto kasi ako haha sanay mag isa
 
hindi naman sa need ng kaibigan lods.. wag mag depend sa kanila.. may sarili din silang pamilya.. dapat wag mag depende kung ano ang mga gusto nila.. sana ma iintidihan mo T.S..
 
  • Like
Reactions: Ve3
Ganyan ba talaga ugali mo in real life, Kung ako naging kaibigan mo at narinig ko sayo yang sinabi mo, susuntukin talaga kita🙄
yup pero wag mo nmn ako suntukin hahaha mabait nmn ako. kasi kaya ko nmn iniwan ung mga friends ko may rason naman ako lalu na sa inuman hindi sila maganda ksma takaw sa away so iniwan ko nlng. may mga kaibigan nmn okay kaso pinipili ko lang tlga at now wala pa kong nahahanap cguro dhil may asawa na ko hahaha.
 
Ako paps minsan lang ako magkaroon ng mga kaibigan lalo na dito sa amin, Lahat sila mga kapitbahay, kaklase, o kakilala, kahit na sa paaralan binubully ako ng sarili kong kaklase, Hindi ko talaga maintindihan bakit may mga taong ayaw sayo kahit mabuti naman ang pakikitungo mo sa kanila, ito lang masasabi ko paps, kahit na hindi mo gusto ang mga ugali nila tanggapin mo ng buong puso, Huwag mo silang iwanan dahil ang tunay na kaibigan hindi ng iiwan, Dahil mararamdaman din Nila yan mula sayo, Kahit na ako Ganyan ang pag trato Nila sa akin itinuturing ko pa rin sila bilang isang kaibigan dahil ayaw ko na mawalan ng isang kaibigan pa, Gaya noong nawala ang kaibigan ko na namatay, kahit na ganun hindi nya ako nakalimutan, Masakit para sa akin mawalan pa ng isang matalik na kaibigan naiintindihan mo ba, Para sa akin lahat ng Kaibigan ko ayaw kong mawala tapos ikaw iiwan mo na lang ng basta-basta, matindi ka, Hindi mo ba naiintindihan kong ano ibig sabihan ng kaibigan, sensya na kayo

Pero kahit Ganyan paps ituring mo pa rin sila, malay mo mag bago sila sayo😁
 
Last edited:

Similar threads

Back
Top