What's new

Ang bagong boss

4rion

Eternal Poster
Established
Joined
Dec 5, 2017
Posts
1,196
Reaction
887
Points
491
Isang bagong hired na medyo may kayabangan at mahangin na Manager ang sumabak sa unang araw sa trabaho sa isang Call Center Company. Dahil nga sa kagustuhang magpasikat ito sa Top Management at sobrang bilib sa kanyang sarili, siniguro niya na may mangyayaring kakaiba sa araw na ding iyon. Hahanapin at tatanggalin niya ang mga tamad at batugan na mga trabahante sa unang araw ng kanyang panunungkulan.

Sa kanyang paglilibot sa bagong opisina, meron siyang nakitang isang tao na nakatambay at nakasampa sa isang sulok na walang ginagawa at panay kalikot sa kanyang cellphone. Tuwang tuwa pa ito na parang naglalaro lang ng online games. Sa kabilang banda naman ay nakikita ng bagong Boss ang karamihan sa mga Call Center Agents na sobrang busy sa kanilang ginagawa. Naisip niya, ito na yung pagkakataon ko para magpasikat at mapansin ako ng Top Management, sa unang araw pa lang makakahuli na kaagad ako ng tamad at batugan na empleyado.
Nilapitan niya ito tsaka kinausap.

"BOY, MAGKANO BANG SWELDO MO KADA ARAW?" Tanong ng Boss.

Medyo nabigla ang lalake pero sumagot pa rin ito.

"500 LANG PO SER KADA ARAW..."

"SIGE, HINTAYIN MO AKO DITO SANDALI MAY KUKUNIN LANG AKO"

Pumasok muli sa kanyang opisina ang bagong Boss at sabay kuha ng pera at binigay sa lalake.

"ETONG LIMANG LIBONG PISO. BAYAD KA NA NANG SAMPUNG ARAW, HANGGANG NGAYON KA NA LANG AT AYAW KO NANG MAKITA PA ANG PAGMUMUKHA MO DITO. HUWAG KA NANG MAGSALITA AT HUWAG KA NANG BUMALIK PA!!"

Nabigla man, kinuha pa rin ng lalake ang pera sabay nagmamadali itong umalis.

Pagkatapos ng eksenang yon, buong yabang na nagsalita ang bagong Boss.

"ITO AY ISANG HALIMBAWA NA DI KO KINUKUNSITI ANG MGA TAMAD AT BATUGAN SA KUMPANYANG ITO! BINIGYAN KO NG HULING SAHOD ANG LALAKENG YUN GAMIT ANG SARILI KONG PERA PERO MALIIT NA BAGAY LANG YUN ANG IMPORTANTE AY MAKATULONG TAYO SA KUMPANYA. KAYA KUNG SINUMAN SA INYO ANG GUSTONG MATULAD SA KANYA AY PASENSYAHAN NA LANG TAYO KASI I MEAN BUSINESS HERE! SAN NGA BA NAKA ASSIGN ANG TAONG YUN?"

Mula sa isang sulok ay may naglakas loob na sumagot sa tanong ng bagong Boss.

"FOOD DELIVERY SERVICE BOY PO YUN SIR, TUMAMBAY LANG PO SAGLIT KASI NAGHIHINTAY NG SUKLI! NAGPASALAMAT PO PALA SA BINIGAY MONG TIP MAKAKAASA DAW PO KAYO NA DI NA DAW SIYA BABALIK DITO KELAN MAN!!!" 🤣🤣🤣
 

Similar threads

Back
Top