Minsan talaga sa buhay ay makakaranas ka ng kalungkutan.
Kalungkutan na parang ikaw lang mag-isa dito sa mundo. Kalungkutan
na mag didiin at maglulugmok ng iyong pagkatao. Di mo alam kong
kakayanin mo pa ang sakit, hapdi at kirot ng bawat pag pitik ng iyong
puso. Minsan mapapatanong ka ng "Bakit? Bakit ako pa? Bakit
kailangan ko pa maranasan ang ganito?". Pero, di natin nakukuha ang
mga sagot sa ating tanong. Alak, yosi ang magiging karamay mo sa
iyong problema, sa bawat buhos na alak sa iyo lalamonan at hithit buga
ng usok sa iyong bunganga ay nawawala kahit papano ang sakit na
dala-dala mo. Sa bawat pag ikot ng baso, makakaranas ka ng
panandaliang kasiyahan, ng aliw kasama ng mga kaibigan na lage
andyan para sayo. Pero habang paubos ng paubos laman ng mga bote
ng alak at sigarilyong nasa kahon ay unti-unti na naman bumabalik ang
sakit ng kahapon. Pagkagising sa umaga, dala-dala ang sakit ng ulo
dahil sa pagkakalasing at sakit sa puso dahil sa nadaramang hinagpis.
Pilitin mo mang maging masaya, pilitin mo mang sundin ang mga payo
ng iyong mga kaibigan, pilitin mo man na kalimutan ang kahapon,
ngunit hindi, hindi mo kaya kasi nasanay kana na lagi mo siyang
kasama. Kahit saan ka magpunta, makikita mo ang mga ala-ala ng
kahapon, BANDA RITO, BANDA ROON. Hindi mo namamalayan
na pumapatak na pala ang iyong luha. Luha ng pagsisisi, paghihinayang
at pagkabigo na halos gugulin mo nalang ang oras sa pag iyak para
mailabas ang lahat ng sama ng loob na iyong nadarama. Sa isang
madilim na sulok dun mo binubuhos ang iyong mga sama ng loob sa
iyong sarili, ang panghihinayang, ang pagkasawi. Araw-araw soot mo
ang isang maskara ng kasiyahan para matakpan ang iyong lungkot na
pinagdadaan. Sa daan sasalubungin ka ng mga tao at silay
magtatanong ng "Kumusta kana?" at pag ngiti at isang "Okay lang
naman ako." ang iyong sagot, Kahit na parang tinutosok ang puso mo
pag sasabihin mo ang mga kataga na yon. Isang araw, habang ako ay
nakahiga at nag iisip ng mataimtim ay biglang lumapit ang aking ina at
sinabi "Anak? May problema ba?", ng marinig ko ang tanong ng aking
ina ay biglang nalang pumatak ang aking luha at ako'y humagolgol sa
pag iyak at humihingi ng tawad sa aking nagawa. Kasalanan na kailan
man hindi mabubura sa aking ala-ala. Kasalanan na pasan-pasan ko
araw-araw. Salamat INA dahil ikaw ang mas nakaka-unawa sa aming
lahat. Sana sa bandang huli, ang pagpapatawad parin ang manaig.
Walang taong perpekto, lahat ng taong nagkakasala, maliit man o
malaki. At sana sa paglipas ng panahon ay makakaya ko na rin
tanggapin at harapin ang darating na umaga, na BUO na ang aking
pagkatao.
- Mister PIE