What's new

Ako nalang yata ung matinong lalaki sa mundo. At minalas sa nakatagpo

matthan16

Eternal Poster
Established
Joined
Aug 1, 2016
Posts
1,235
Reaction
239
Points
457
25 Male kayumanggi Matikas pero di macho. Business minded.

Hinahanap ko po yung tlgang nakatadhana sakin baka nandito ka. Hahahahahaahah
 
Pasensya na mga lods gusto ko lang sumaya konti hahaha. Nasstress lang.

Actually im married. Mag 2 yrs palang sana this january our wedding anniv. My wife cheated on me. Yes. And lam nyo na may ngyare. 5 yrs na kami mag couple. Last september lang actually nya ginawa yung kalokohan. I have a daughter 1 yr old baby. Bangungot to para sakin. Nag laan ako ng matinding oras. Sobrang higpit sakin ng asawa ko. Lalo pag lumalabas ako. Kailangan vcall pa kung nasan ka. Sakal na sakal pero masaya. Kasi alam nya importansya mo. Lahat binigay ko. Prinsesa sya kung baga. Kasi ako lang may kita kahit nung mga panahong couple palang kami. Lahat binigay ko lahat ng pang unawa binigay ko. Kahit sya mali ako mag sosorry. Mga ganyan. Joke lang naman post ko mga Lods haha. Pag bigyan nyo na ko. Nag ssuffer lang tlga ako sa matinding stress na to. Hndi ako nakaka tulog ng maayos.
 
Biro lang din reply ko TS kasi ang nasa isip ko hindi ka naman yata gaanong seryoso sa post mo. Sana hindi ka offended. Hindi ako ikaw at wala ako sa posisyon mo pero ang masasabi ko lang ay you deserve better pero nasa iyo ang desisyon s'yempre. Sana kung ano mang desisyong napili mo (kung mananatili ka o aalis ka), e, sana ikasaya mo nang totoo. Do'n ka sa alam mong makakabuti sa'yo. :)
 
Wala sakin yan lods. Kung matatwa kayo o maiinsulto kayo sakin haha. Pinili ko nalang umalis sa totoo lang. Akala mo ang higpit na ng kapit sayo pero suddenly biglang nag bago ihip ng hangin haha. But its okay. Napatawad ko na sya KAHIT PROUD PA SYA SA GINAWA NYA AT WALA SYANG REGRETS. Ipapatulfo ko na nga lang sana eh. Pero iniisip ko parin tlga baby ko. Ayokong maapektuhan sya kaya kahit labag sa loob ko eh gagawin ko.
 
Mahirap magpaka-martir TS, pero kung yan ang kagustuhan mo at handa kang lunukin ang pride mo bilang isang lalake at haligi ng tahanan ok lang din. Pero uunahan na kita, mahirap alisin sa isip yung nangyari na yan sa inyo, magiging ugat yan ng madalas na pagdududa at pagmumulan din ng madalas na pag-aaway since mahihirapan ka na rin ibalik tiwala mo sa asawa mo. Oo pede mo ipilit sa isip mo na nakaraan na yon at napatawad mo na sya, pero malabo nang maalis mo yan sa isip mo. Lamat yan sa relasyon na mahirap ng ibalik sa dati. Goodluck na lang at hangad ko na maging matatag pa ang pamilya mo.
 
[XX='jepjep16, c: 515655, m: 1506708'][/XX]
Naghiwalay ba kami lods. Iniwan ko na sya yung baby ko eh andun sa side nya. Kasi sa side ko di maalagaan maayos. Okay naman din ako sa family nya sila pa nga nahihiya sakin.
 
Back
Top