What's new

Ako lang ba yung naiinis sa budots at paro-paro g na tugtog?

Yung sa Paro-Paro G nung unang rinig ko hindi ko nagustuhan para kasi syang related sa mga Fraternity na pinagtitirapan sa mga comments sa Tiktok..🤣 halimbawa ng mga comments yung "longsleeve alpa kangaroo" basta sobrang daming nakakatawa na comments.. pero mabalik tayo sa Paro-Paro G unti-unti nagustuhan ko na din kasi sinayaw na ni Asheng ganda kasi nun..😊 tapos ni remix pa ni Idol Klu mas nagustuhan ko na.. bili ka IEM earphone o ng earplug dyan wala ka maririnig kahit ano.. dito samin ako lng din madalas nagpapatugtug pero tanghali na hanggang sa magtakip-silim.
 
hindi naman ako against sa mga ganyan although medyo naiirita ako. may mga ganyang kapitbahay na tipong parang nasa peryahan na anlakas lakas ng sounds. umaganga umaga kaya minsan binabato yung bubong nila. haha report mo nalang sa barangay pre para iwas away nalang din
 
Okay lang naman sakin yung budots. Ang hindi lang okay dyan, e kung magpapatugtog ka ng sobrang lakas na tipong gigising ka na sa yamot. 😂

Ang best na gawin mo dyan e kausapin mo yung kapitbahay mo, na hindi mo kamo trip yung trip nila na ginagawa nila pag umaga. Ngayon kung ayaw talaga nila makinig, i-report mo na agad sa Barangay para malaman nila yung trip mo.
 
Same same same ts. Sakit sa tenga ng mga yan hahaha. Mataas pa naman standard ko sa music, yung mga ganyan ingay nalang yan eh.
 
paro paro g sa unang pangalan palang pangit na at diko pa napa kinggan. iniwasan ko yan dahil sa isang tao na nag sinungaling at sinet up lang ako.
 
magpatugtog ka rin ng malakas ts tas isalang mo yung "Kapitbahay" ng Tubero. ewan ko na lang kung magpatugtog pa yan kinabukasan. haha
 
Bilang isang budot at tiktok tugtoger akoy naiinis sa thread nato, gusto kitang ipa barangay para ikay magpapatugtog ng budot at tiktok songs na rin
 
Ako hindi naman sa song choice mismo naiinis. Dun lang talaga sa malakas magpatugtog. Kagaya ngayon Linggo na naman kapag sinumpong yung kapitbahay ko umaga hanggang gabi Love Radio yung itotodo. Napakasakit Kuya Eddie at Bawal Na Gamot sa umaga, Siakol sa tanghali tapos Rivermaya at Eraserheads sa hapon.
 

Similar threads

Back
Top