Adik ako sa Cobra

Nako mataas yan sa sugar boss, baka malaman muna lng diabetic kana. Remember, lahat ng subra masama. Kaya hindi na muna ku nagmahal, nasubrahan kasi yun nasaktan😆
 
Kapag naadik ka na TS, magmoderate drinking ka na po baka hindi lang chronic disease makuha mo sa future baka yan din simula po ng depression niyo and aggression.
 
lahat naman ng sobra masama boss. imagine mo, wala kang makikitang cobra na malaki kasi yung tamang inom a day is 1 bote lang talaga, parang yakult. ako din araw araw nainom. pero ngayon di na masyado. caffeine kasi yan. parang kape. pwede magcause ng atake sa puso or pwede din magcause ng diabetes.
 
Itong si T.S may sayad na ata haha, nagtatanong , pero kapag may sasagot di naniniwala, question ko sa iyo anong reason nang pagtatanong mo pa ? kung ganyang di ka naman pala tumatanggap nang komento sa mga taong sumagot ?
 
Observe mo itlog mo if sumakit din iwas kana sa cobra, Ako adik noon sa C2 at yun sumakit itlog 2 years na ako di tumikim ng C2. Minsanan nalang din ako umiinom ng drinks.
 
stimulant po kasi ang cobra.... too much stimulants in our body is bad... tama yung mga nasa first comment, dinadaya ng utak mo na di kapa pagod, but in reality pagod na talaag yung katawan mo.
 
Mag Extra Joss ka nalang ts energy drink din kapareho lang din halos lasa sa cobra, pero mas marami ang tubig ihahalo mo kasi sa tubig yong powder , pero gagamit ka lng ng extra joss kung marami kang work loads images (1).jpeg
 

Attachments

Buko juice ka na lang. Dialysis kahahantungan mo pag pinagpatuloy mo pa
 

Ano ang sangkap ng Cobra at iba pang mga energy drinks?​

Gaya rin ng ibang brand ng energy drinks tulad ng Extra Joss, Lipovitan, Monster Energy, Red Bull, at Sting, ang panunahing sangkap ng mga inuming ito ay caffeine, isang substansyang kilalang sangkap ng kape na may epektong nakakagising at nakakapagpaalisto. Ngunit ‘di tulad ng caffeine na taglay ng kape, ang caffeine na taglay ng mga energy drinks ay masyadong mataas. Bukod pa rito, taglay din ng mga inuming ito ang mataas na lebel ng asukal, taurine, ginseng, guarana, at ilang mga bitamina—mga sangkap na maaaring may benepisyo ngunit maaaring magdulot ng panganib sakatawan kung mapapasobra, lalo pa’t ang mga inuming ito na malayang binebenta sa mga pamilihin ay walang kontrol.

May panganib ba ang pag-inom ng mga energy drinks?​

Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng World Health Organization noong taong 2014, ang mga energy drinks daw ay may potensyal na magdulot ng panganib sa kalusugan ng umiinom na publiko lalo na sa mga mapag-eksperimento na inihahalo pa ang inuming ito sa mga alak. Sinasabing ang sobrang pag-inom ng mga energy drinks ay maaaring magdulot ng mga sumusunod na epekto:
--pagka-overdose sa caffeine na maaaring magdulot ng mga sintomas gaya ng altapresyon, mabilis na tibok ng puso, pagsusuka, pagkokombulsyon, at maging pagkamatay
--pagkakaroon ng Type 2 Diabetes dahil pa rin sa sobrang caffeine na nakaaapekto sa insulin ng katawan.
--pagkalaglag ng bata sa mga nagbubuntis
--dehydration
--problema sa pag-iisip at sirkulasyon ng dugo sa katawan
--pagiging dependent pag-inom nito
--problema sa mga ngipin
--sobrang timbang

Isa pang ikinababahala ng mga alagad ng medisina ay ang paghahalo ng ilan sa mga energy drink at alak. Ito ay delikado at maaring magdulot ng problema sa pag-iisip na maaring humantong sa ilang padalos-dalos na pagdedesisyon at pagkawala sa sarili.
 

Similar threads

Back
Top