What's new

About sa chat sa crush

elbawonknu

Forum Guru
Elite
Joined
Dec 9, 2018
Posts
3,735
Solutions
1
Reaction
1,328
Points
1,524
Age
23
so kami ilang araw nag update sa isat isa pati pag tulog nag papa alaman pero no label hahaha....sa katgalan nasanay narin ako...pero kanina huli ko sa chat nag sinungaling eh tapos parang di tugma yung chat nya .....tanong ko lang kung okay ba na mag tampo? kahit walang label....as in di ko sya i chachat bahala na sya ahhaha😅
 
Hindi mo na kailangan mag tampo kung gagawin mo yung huli mong sinabi

Pero kung may "feelings" na yan, mas mabuti kung linawin mo na agad sakanya yan para habang maaga pa di ka na umasa
 
normal lang naman magtampo kahit no label ,yun nga lang if mutual feeling nyo sa isa't isa susuyuin ka nya talaga,kasi minsan mabilis din magbago ang isip ng tao lalo na't M.U pa lang kayo you are still both free to entertain others.Daming regrets din sa huli.Pag ganyang status kasi madalas nauuwi lang sa pagtatapos kahit di pa sinimulan.
 
Pwede naman magtampo, di mo naman mapipigil yan kung yan ang nararamdaman mo.. Ang problem lang is wala kase kayong label e..Saka ang tanong dito, parehas po ba kayong may feelings sa isa't isa.. Or in-assume mo lang po na merong something sa inyo..
Kung MU naman talaga kayong tunay and mababaw lang yung pagsisinungaling nya, pwede mo naman syang tanungin or kausapin, kase mamaya magtapururot ka jan, tapos wala syang kaide-idea kung bakit ka biglang nagtampo.. Tapos di mo siya i-chachat bigla.. Eh pano kung bigla syang hindi narin mag chat.. edi bye-bye na parehas..
(hahha! sori,. opinyon ko lang naman to 😅 goodluck po sayo )
 
Naalala ko dati noon kami ni Misis, 3 months kaming naguusap sa chat (nagkikita at naguusap ren sa personal) wala kaming label ni M.U di ko nga alam if may gusto siya saakin non eh pero sobrang grabe yon magtampo as in. In the end kami ren pala magkakatuloyan HAHAHAHAHA <3
 
pag nag tampo ka baka ma ghost kana forever, hindi pa nga kayo nag sinungaling na ekis yan para sakin find another one HAHA joke kung anong nasa puso mo sundin mo.
 
Wala naman kayo bakit ka magtatampo? Para kang nagalit sa isang bagay na kinuha sayo pero hindi naman sayo.
ewan nakakawalang gana ehh

pag nag tampo ka baka ma ghost kana forever, hindi pa nga kayo nag sinungaling na ekis yan para sakin find another one HAHA joke kung anong nasa puso mo sundin mo.
lalaki ako babae sya...ewan ko sa pag sinungaling nya parang nawawalan akong gana hays
 
Last edited:
i think mas okay kung lilinawin nyo muna kung anong relasyon meron kayo, malay mo gang kaibigan lang turing nya sayo.
 
Bat now ko lang nakita tong thread na to hahahaha. Nakakainis yung nag invest ka ng feelings tas walang label. Tas nagtatampo ka pero para sa kanya OA ka kasi wala namang kayo. Kaya kung ako sa inyo wag na pumasok sa isang relasyon na walang label napakahirap lalo pag tayong girls ay selosa. We cannot control our emotions regardless kung may label o wala eh. Yun lang po salamat ng marami.
 
Back
Top