Magandang hapon po.
I'll try to explain as human as possible.
Paano nakikipag communicate yung computer mo sa ibang computer sa internet?
IP / Internet Protocol - "Protocol",Let's say ito yung sinusunod na batas ng computer mo everytime mag ssend siya ng data over sa internet. Kailangan may sinusunod tayong protocol o di kaya "format" para maintindihan siya ng ibang computer or server sa internet.
IP Address - Easy. Ang bawat computer na naka connect sa internet ay may sariling address. Tinalaga ito ng ISP mo or Internet Service Provider kagaya ng PLDT or Globe. Everytime na mag search ka ng assignment mo kunyari sa Google. Ibabalik ng Google sa'yo yung search result diba? Nalalaman ni Google na ikaw yung nag request gamit ang address mo. Without IP Address, hindi malalaman ng server kung saan at kanino ibabalik ang result na ni request mo.
Proxy - Imagine this. Everytime na mag ssearch ka ng assignment mo sa Wikipedia. Yung computer mo mismo yung nakikipag usap sa server ng Wikipedia. Yung
"Proxy" or
"Proxy Server" ay isa pang computer na ginagamit para mag process ng request mo. So everytime na gumagamit ka ng proxy, eto yung nangyayari:
Yung computer mo, is mag kokonek sa isa pang computer ito yung "proxy", then yung proxy computer mag kokonek sa Wikipedia. Para ibigay sa'yo yung request mo: si Wikipedia mag kokonek sa "proxy computer" pabalik sa computer mo. Instead na direct ka kay Wiki. Yung "proxy" is parang nasa gitna para gawin yung request mo. Hence, Proxy
Port - I'm pretty sure tungkol sa networking yung tinatanong mong definition ng "Port". Sabihin na natin na isa itong kalsada kung saan dumadaan ang information na pinapadala natin sa internet. Kagaya ng "http" which is gumagamit ng Port 80. Yung BitTorrent ay gumagamit ng Port 3000. Meron tayong 0-60 thousand port, nakalimutan ko na.
Hope that helps.