What's new

Closed About investment schemes, take time to read

Sang ayon ba kayo sa KAPA?


  • Total voters
    6
Status
Not open for further replies.

Whoknows_

Honorary Poster
Joined
May 9, 2013
Posts
473
Reaction
141
Points
168
Age
28
Inulit ko lang yung mga reply ko sa kabilang thread kasi di lang ako nagpapansin, gusto ko lang kasing mag spread awareness. Dami nang members sa PhCorner kasing nagiging interesado sa mga investment schemes pero magfofocus na muna ako sa KAPA - Community Ministry. Dami din members dito sa PhCorner na member ng KAPA pero nagiging hardcore supporter nila pero wala namang ibang masasabi kung nagsisisi, hindi man lang natanong anong napasukan nila basta may pera, nakatutulong ito, di man lang inisip yung down side neto. I-apply niyo nalang sa ibang investment schemes.

Di ako prô Quiboloy, di ko alam bat maraming sumasamba sa kaniya haha. About sa negosyo ng kapa, sabi ni pastor na kaya daw niya paninindigan yung promise niya sa investors pero according to rappler, "majority of the businesses are newly registered sole proprietorships. Moreover, some corporations which are allegedly acquired by Kapa do not have financial capabilities to generate the necessary funds to sustain the high returns."

(Side question pala, bakit nakapangalan lahat ng assets ng kapa sa asawa niya at tsaka naka sole proprietorship? In my own opinion, para kung mahuli or mawala na lahat, may exit sila or escape plan sila gamit nito.)

Pwede ring fake news lang ito ng government pero think about it, kahit anong business or company pa ang kanilang na own, di yun makakaearn ng 30% per month. Most likely ang business talaga nila pyramiding at networking schemes, sabi mo pa nga na matagal na kayo diyan so palagi na talaga kayo nagrereceive ng pay out. Wala pang nagrereklamo dahil as of today, marami paring nag papay in sa kapa, pano na pag wala ng mag invest?

Pwede ring trading yung business nila, stocks, forex, binary option, crypto, pero I've researched all about it, bihira lang na mamaintain nila yung 30% EVERY month. Kung nag day trading sila, mga ilang persyento lang yung makukuha nila, pwede ring swing trading pero di mo naman palagi mapredict yung swing neto. Possible siya pero dadaan parin ito sa government or sa batas kung gawin itong business. Pwede ring gamblin(g) at lastly pinakapossible rin ay droga wahaha joke.

On the macro view, it is also about the country's growth and economy. Lahat ginagawa ng gobyerno para ang bansa ay umunlad. Siguro, MAYROONG mga MALI talaga silang nagawa haha pero we are still a developing country and pinag iisipan at pinag aralan talaga nila itong mabuti para stable na mag move forward ang bansa. Isipin mo, ang bansa ay isang hapag o mesa then meron itong maraming paa, kung may umangat sa isang paa, hinding magkasabay itong tataas, babagsak o magcollapse yung mesa. Possible na babalik tayo sa simula. About economy naman, isipin mo malaki na yung investment mo then maka sustain na yung monthly payout mo sa buong buhay mo, magtratrabaho ka pa ba? You are just one of many persons who are uplines, how about the other high investors? Maaaring maging unstable yung circulation sa economy ng bansa. I know this statement is not really factual but the thought is there.

Lastly, I'm a Christian person and using God's name in monetary purposes is really bad. May respeto ako sa kanila dahil marami silang natutulungan pero sana'y di nila gamitin ang bibliya para sa kanilang business ventures. Halata naman na ginagamit lang nila yung pagiging religious group para wala silang tax na binabayaran that's why this is really unethical.

All in all, okay talaga ako sa mga investment schemes dahil totoo talaga na marami silang natutulungan pero mas pabor talaga ako sa pagbabawal nito kasi maraming itong cons at naglalagay ito sa bansa at pati sa mga taong nag iinvest sa maling daan. Hindi rin ito makibayan kasi hindi nila iniisip ang magiging future nito.

Yun lang talaga boss. Kung meron kang masasabi at sa lahat ng members, feel free to voice your thoughts. Walang talksh*t or anything else, just respect and love sana.

(At saka sure ako magtratransition talaga tong mga investing schemes into pure networking schemes like aim global, frontrow, and many more.)

I really hope na isasauli nalang ng investment schemes yung pera ng investors at sa mga taong nag susupport ng ganito, it is really punishable by law. Please stop inviting, alam ko may commission kayo pag nag invite kayo.

REPUBLIC ACT NO. 8799
THE SECURITIES REGULATION CODE

6. PENALTIES, REPEALING CLAUSE AND EFFECTIVITY
a. Penalties

iii. Any officer or director of a company covered by SRC Rule 68.1 who causes the disclosure of untrue or misleading information in the financial statements or the submission of a materially incomplete financial report of said entity, shall after due notice and hearing, be subject to a basic penalty of One Hundred Thousand Pesos (P100,000.00) plus a daily fine of Five Hundred Pesos (P500.00) until the information is corrected or completed. The same shall be without prejudice to the filing of appropriate criminal charges against the said person.

iv. The penalty under subparagraph (iii) hereof shall likewise be imposed on any officer or director of a company covered by SRC Rule 68.1 or any person acting under the direction of said officer or director, or acting on his own, who fraudulently influences , coerces, manipulates or misleads the external auditor of such company or any other person(s) on whom such auditor relies, for the purpose of rendering the financial statement materially misleading.
 
👍 agree .....

Sana maibalik na yung death penalty para unang ma sample si QUIBOLOY .... inangkin na ang mundo hayop na yan...
 
feel ko nagtatago na si pastop apolinario kapa members almost 90% ng family ko medyo talo daw sila ng kalahati

Sa totoo lang, sumali din kami sa kapa pero yung extra money lang kasi nga invest what you can afford to lose so okay lang mawala ito kaysa marami pang ma scam in the future

paps government employee ka ano? hehehe

Bata lang ako boss, sorry for dissapointing you po 😅😂
 
Natawa ako sa droga na part eh.

Pero salamat sa pag share nito paps. Medyo confused kasi ako sa KAPA na yan eh hahaha. Matindihang palago pala nila ito.

POWER! Hahahah
 
Baka nga drugs talaga ehh... sila Cardo at ang vendetta na talaga magraraid sa kanila 😂 Ibabash na ako neto ng kapa supporters wahaha joke lang po
Ahahahahaha langya nasali pa si Cardo at ang Vendetta hahahaha. Grabe.

Pero kawawa talaga if walang mababalik sa mga customers ng KAPA, lalo na siguro sa mga bago pa lang nasali.
 
Ahahahahaha langya nasali pa si Cardo at ang Vendetta hahahaha. Grabe.

Pero kawawa talaga if walang mababalik sa mga customers ng KAPA, lalo na siguro sa mga bago pa lang nasali.

Ang iba nga nag iinvite parin kasi continued pa daw yung payout kahit pinahihinto na yung activity nila ng gobyerno
 
Ang kapa ay hindi pangmatagalan , ang lubos na maapektuhan niyan ay ang mga bagong members sakaling wala ng mag iinvest na bago, kasi nga sa bagong investors kukunin ang pay out ng naunang nag invest
 
dagdag ko na rin TS. kadalasan yung reklamador hindi member ng KAPA. mga ingitero/a:ROFLMAO:
Pero lahat ng bagong member, nagmamakaawa, sanay nagtulungan nalang ang kapa community na mabalik ang pera sa lahat ng investors. Yung nakapag pay out na ng sobra sa kanilang ininvest, magbigay donasyon sa mga bago pang sumali para fair. Hindi yung naghahanap pa ng kapalit. Yun yung DONASYON!
 
Ang kapa ay hindi pangmatagalan , ang lubos na maapektuhan niyan ay ang mga bagong members sakaling wala ng mag iinvest na bago, kasi nga sa bagong investors kukunin ang pay out ng naunang nag invest
Yan nga kaya scam talaga tong kapa, sana hindi na sila mag invite ng iba para mahinto na talaga as early as possible
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top