What's new

About Biringan City.

Rafaisah

Leecher
Joined
May 19, 2022
Posts
8
Reaction
3
Nandito ako ngayun para ibahagi ang karanasan ko way back 2013.

Nag tatrabaho ako sa Tacloban City noong 2013. Naging sales lady ako sa isa cosmetics store doon.

Lumipas ang ilang buwan, sa pagtatrabaho ko doon. First time ko magkaroon ng costumer na lalaki at dalawa sila. Sa pagkakaalam ko ay parang mag kaibigan. Nahihiya pa ako noon kasi nga mga tisoy. Kahit gabi na ay makikita mo parin sa mukha nila na mga tisoy nga sila. Makikinis pa ito. Ang nasa isipan ko ay " MGA DAYUHAN SIGURO ITO ".

Nagulat nalang ako noong magsalita ito.
" MISS. MAY ******** SECRET KAYO DITO NA PABANGO " tanong ng isa nito.
" MERON SIR. DITO SA KABILANG ISTANTE " sagot ko naman.

Nahiya ako lalo noong ngumiti ang mga ito. Ngiti na hindi makita ang ngipin. Noong dinala ko sila sa mga istante na lagayan ng mga ******** SECRET na mga pabango. Hindi nila hinawakan ang mga sample nito. Batid ko kaagad na alam nila kung anong essence ang hinahanap nila.

Kinuha nila ang ******** SECRET CUCUMBER ESSENCE. At iyon din ang pabango ko na ginagamit aside sa ******** SECRET VANILLA LACE. Sampo ka bote ang kukunin nila. Pero lima lang ang nasa istante kaya kumuha ako agad ng Lima pang bote nito sa stock room.

Noong papunta na kami sa counter, dala dala ko ang basket na puno ng pabango. Nag salita na naman ang isang lalaki. Yung lalaki na nag tanong sa akin kung may ******** SECRET kami na pabango.

" MISS. GANUN DIN PALA ANG PABANGO MO. ******** SECRET CUCUMBER ESSENCE. NA AAMOY KO KASI " sabi nito.

" AH...OO. ITO LANG ANG KAISA-ISA KO NA PABORITONG PABANGO SA ********. " sabat ko naman.

Nagbayad ang mga ito sa counter at naka credit card pa ang mga ito. Binigay ko ang plastik na naglalaman ng pabango at ibinigay sa lalaki na kausap ko. Yung isa kasi parang torpe.

Sa taong ito ( 2013 ) ay teenage palang ako. Nag trabaho sa Tacloban City kasi hirap ma hirap kami. Hikahos sa buhay. At wala kaming gadgets sa taon na ito. Pero pinag ipunan ko at nakabili ako ng Nokia 3315. Sabay bili ng TNT na simcard.

Sa isang buwan halos 3x sila bumibili ng ******** SECRET CUCUMBER ESSENCE at naging 15 pieces na. Yung dati 10 pcs lang. Nagtaka ako pero minsan naisip ko na baka buong pamilya nila nagpapabili saka marami kung bumili sila. Pero doon na naman ako nagtaka. Bakit puro CUCUMBER ESSENCE lang??? Saka 6pm sila palagi na bili.

Pag balik nila ulit para bumili. Humingi ito ng mobile number ko. Ibinigay ko naman. Kung may order siya nag me message na siya sa akin. At noong dumaan si Yolanda sa Samar at Leyte. Hindi ko na sila na kontak pa. Hindi ko nga alam kung taga saan ba sila. Kasi kung mag order sila through messages. May meeting place kami.

Pero may isang tao ang nag sabi sa akin na taga Pagsanghan Samar sila. Hindi ko naman alam ang Samar eh. Mga baranggay doon Hindi ko alam. Kasi sa Leyte lang ako nakagala. Hindi kais ako pinapayagan ni itay pumunta ng Samar.

Saan ka kaya sila ngayun????

Pasinsya na. NAKA hide ang isang word. Alam niyo naman siguro kung anong pabango iyan. Hehe. Naka hide. Diko alam.
 
Akala ko Borongan City sa Eastern Samar tinutukoy mo. Meron pala daw Biringan City na parang Encantadia ang peg nung napa-chat ako sa katrabaho ko na lumaki sa Samar. Pang-hashtag KMJS pala ang kwento mo miss.
 

Rafaisah

Leecher
Top