What's new

Poll Abortion

Sang ayon ba kayo sa abortion?

  • Yes and why?

    Votes: 7 43.8%
  • No and why?

    Votes: 9 56.3%

  • Total voters
    16
Sagot kayo kukuha lang ako idea sa sagot niyo😅
Yun share ko opinion ko. Para sakin dipende po sa situation. Oo kung example na ginahasa yung biktima at di pa niya ito kaya palakihin. Pero kung gusto ng babae na palakihin yung anak may choice siya na di ito iabort. As for yung mga kalibogan lang, di naman ginusto ng bata na mabuhay. Bakit ka gagawa kung alam mo namang di mo kayang palakihin?. Kaya mas magandang palawigin pa ang libog education para mas maintindihan ng mga future adults kung ano ang kanilang mga ginagawa. ika nga nila "an ounce of prevention is worth a pound of cure."
 
Last edited:
No, kasi baka maabuso yung batas tungkol sa abortion if maaprove. Pero, may exceptions. Kailangang mapatunayan na kailangan talaga if ito ay health risks na sa nanay dahil parehas silang maapektuhan, at iyon lang siguro ang pinakarason, no more, no less. Kasi ang mangyayari diyan ay makukunsinte yung iba na magpalaglag dahil sa batas na siyang pwedeng imanipulate kung mautak ka. Kung ikaw naman ay nagahasa, isipin nalang na walang kasalanan ang bata at ipaampon kung hindi talaga kaya pagkalabas ng baby dahil madami din ang mga mag-asawang di nabibiyayaan ng anak, at kung bibigyan niyo pa ang bata ng pangalawang pagkakataon, maaring makakuha siya ng magandang buhay na inaasam mo para sa kanya. The better way sa lahat ay maging open tayong mga pinoy sa *** education na siyang tutulong sa mga bata na maopen yung curiousity nila at hindi na gawin ang mga di nararapat.
 
Yes. Pero mas gusto yung 2 child policy. BTW yung moral damages ng abortion sa magulang nakakatakot minsan kasi nasisira talaga ang tao sa mga ganyang experiences may klase pa nga na gusto na nila pumatay ng ibang tao dahil dyan meron namang nagkakaron ng mental issue.
 
depende sa situation, pero ayaw ko maging casual nalang ang abortion kasi marami ma inganyo. eto yung mga issue na nasa grey area, gustong gusto ito nang mga ano dito, pampa dami nang ano.. yung alam nyu na.
 
Walang katapusang sinasabi ng ibang tao na masama ito. Ngunit hindi nila nakikita ang kalagayan ng mga babae. May karapatan ang babae sa katawan nya. Oh, bago mo sabihin na "eh may karapatan din ang bata". Ito ang tanong ngayon dyan:
1) what makes human beings human?
2) when does human life begin?

Nasa isinusulong na batas ang bahagi na 'yan. Talaga nga bang recognize na tao na ba ito? Tao na nga ba 'yang sinasabi na ipa-abort? Ano ba ang safe abortion? Para matulungan ka rin na maunawaan ito, pakibasa: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Pwede din basahin yung link na ito dahil maraming source of info rito na ginamit sa ipapasang batas tungkol rito: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Lawakan ang isip.
 
Yes to abortion

FB_IMG_1648742820802.jpg
 

Attachments

Similar threads

Back
Top