What's new

Trivia A brief history of free tricks & tips sa pinas.

freestyler03

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 14, 2018
Posts
630
Solutions
1
Reaction
3,755
Points
630
THE BEGINNING

Simulan natin sa pinaka una.
Dati kung gusto mo mag internet per minute ang charge sa load mo wala pang Android dati, kung meron man madalang lang ang may gamit 2005 or 2006 nung mamulat ako sa internet world bata pa ko nun highschool palang ako nun 2nd year ata ako that time. Kausuhan ng Java phone nun andyan ung s30, s40, s60 bukod pa yung Symbian phone na godlike nung mga panahon na yun. Yung pinsan ko may kaya sila sa pamilya kaya nung pinalitan niya na yung Nokia 3530 niya binigay nalang sakin. napa-YES! ako sa sarili ko kasi may phone nadin ako na semi colored na may 1.5" na screen at nokia OS na s30 (Series 30) so imagine niyo nalang kung gano kababa yung resolution niya pero nung mga panahon na yun sobrang lupit ng phone na yun as kaya ko magkulong sa bahay namin ng isang buong linggo basta hawak ko lang yung phone ko na yun. So namili agad ako ng Simcard yung Globe hindi ko alam bakit globe binili ko nung time na yun pero siguro yun ang sikat dati. Kunting kalikot ng phone na diskubre ko ang GPRS. kunting kalikot pa connected na yung phone ko sa data. boom! may G na bilog that means working na yung data.

Kunting info lang dati wapsite ang tawag kasi gawa sa (WML - You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) ang mga site na napupuntahan mo na ginawa talaga para sa mga mobile browser. Pero dahil sa pag sikat ng Smartphone lumubog din ang mga sikat na wapsite and most of them ay nag migrate from WML to HTML kasi walang problema at kayang kaya I-handle ng smartphone ang mga website ng walang pagbagal.

Ang presyo ng isang ρrémíùm na Java games dati ay 50.00 php karaniwan ay gawa ng sikat na game developer tulad ng GAMELOFT at madami pang iba. Mahal yun para sakin kasi hindi naman kami mayaman maliit lang ang baon ko sa school kaya nagtitipid ako para every week makakapag download ako ng bagong laro mga ilang araw or buwan din ganto, ipon tapos bili ng games, ipon tapos bili ng games.

THE DISCOVERY

Wala akong pambili ng games nung mga araw na yun kaya naisipan kong mag browse nalang sa homepage ng globe at habang nag ba-browse sa globe homepage, dun ko na diskubre ang G-BLOGS (Globe Blogsite). Sabi ko sa sarili ko ayos to a meron pala nito dito. may site pala na libre ang globe at pwede ka mag-share ng kahit ano na gusto mo, pwede mo i-share yung hinanakit mo sa buhay mo, pwede ka mag basa ng blog post ng iba, at pinaka malupet e libre siya walang bayad pag browse kasi nga Globe mismo nag ho-host nitong site na to.

Isang araw napadpad ako sa isang Blogger na sobrang famous daming followers o subscriber, hindi dahil witty ang mga post niya, hindi dahil daming news ang iyong mababasa, hindi dahil sa mga bagay na inaakala mo, famous siya kasi shinishare niya sa lahat ang h4cking techniques niya or way niya para makalibre ng download sa GLOBE wapsite halimbawa na diyan ay ang Downloadstation at madami pang iba. (unfortunately nalimutan ko na yung username niya :) kung sino man yung nakakarelate sa post ko at nakakatanda ng name niya paki comment nalang).

THE DAY CHANGE EVERYTHING

Meron siyang isang blog post mga link sobrang daming link tapos yung title ng post niya "Free games"
so ako sinubukan kong pindutin yung isa sa mga link na pinost niya.
Kung hindi ako nagkakamali Gameloft games yung unang dinownload ko, pag pindot ko napawow ako nang makita ko na downloading.
Napaisip ako nananaginip ba ko? as in mga libre lahat ng to? simula nun araw-araw nakatutok lang ako sa CP kasi bumabaha ng games yung CP ko, download ko tapos grind tapos finished na. Tapos download ulit ng bago tapos finished na ulit. Dahil siguro maliliit lang ang file size ng Java games kaya maiikli lang din ito at mabilis mong matatapos ang laro. Halos lahat na ata ng latest games nung panahon na yun ay nalaro ko na.

Bumilib nako sa tao na to naging subscriber niya na ko sinusubaybayan ko lahat ng post niya yung mga lumang post niya, yung mga bagong post niya, kasi lahat about h4cking at mismong GLOBE yung hinah4ck niya at shinishare saming lahat yung link.

May mga chismis pa nga dati na si IDOL Blogger daw ay isang Legit na Empleyado ng Globe kaya alam niya kung ano ang way para sa Free tricks. Isa siyang Robinhood nung mga panahon na yun. Hands down ako sakanya.

Siyempre hindi papayag si globe (oo villain na si globe dati palang) kasi bawal ang libre kailangan magbayad lahat kung gusto ng games.
So p4tch ang globe boom ayaw na gumana ng tricks, tapos madiskubre nanaman ang bagong tricks. hanggang sa ganun na nga ang naging routine. ibahin ni globe ang procedure. madidiskubre ulit ang tricks.

Sobrang naging busy ako nun. meron akong notebook tatlo yun punong puno ng Link, tricks, tips, na nagather ko sa G-blogs. sulat dito sulat dun. tapos umpisa palang pala yun. dito ako natoto gumamit ng HTML Viewer, mag view ng source ng redirecting page para malaman ang direct link.

THE OLD FREE INTERNET

At isang araw, may isang mas malupet na tricks na nadiskubre.
"type?=" Tricks hindi ko sure kung ito yung pinaka una pero sa pagkakatanda ko lang naman ito.

Kung dati limitado lang sa loob ng Globe ang tricks na kumakalat now mas lumawak na etong tricks na to ay dudugtungan mo lang ng "type?=" ang isang wapsite ma-aaccess mo na eto ng libre. Sobrang mindblown ako nung mga panahon na yun kasi sa sobrang dami kong pwedeng gawin sa tricks na yung hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Mga wapsite na pwede kong puntahan ng libre at magdownload ng libre.

Ngunit dati palang wala ng forever, after ilang araw naglaho at nadiskubre ulit ni Globe ang tricks nag p4tch ulit sila.
Nabuhay naman ang "BCB (Back Cancel Back) Tricks", tapos nag p4tch ulit si Globe, hanggang sa may madiskubre nanaman na bagong tricks na alternative at halos kaparihas ng BCB and so on.

This time nawala na si IDOL Blogger sa limelight kasi ang dami na nagsulputan na mga bagitong h4cker na nalulupet din pero hindi mawawala sa isip ko na isa siya sa nag mulat sa lahat na vulnerable ang internet dito sa pinas. isa siya sa naging foundation kung anong meron tayo now. Isa siya sa nag simula ng revolution para sa libreng internet.

THE NEW ERA

Sa paglipas ng panahon nagiging madalang na ang post ni Idol Blogger, humina nadin kasi ang G-Blogs.
Nagsulputan na ang mga bagong tambayan tulad ng ********, *******, ******** etc.
bawat site may kanya kanyang tricks na, nadidiskubre, pasiklaban ang nangyari.
Nagsulputan ang mga tricks gamit ang OPERAMINI.

Ngayong Android at IOS na ang nangingibabaw, mangilan-ngilan nalang ang mga tricks na nadidiskubre sapagkat nagkalat na ang Wifi. Kung dati tinitrick ay ang Network mismo now ang tinitrick ay yung password ng kapitbahay natin.

Masaya ako na naabutan ko yung panahon na yun, yung panahon na talagang paghihirapan mo para makatanggap ka ng libre, yung panahon na pagaaralan mo din at hindi ka pwede magpaka spoon feed, panahon na ichachallenge mo yung sarili mo.

Dito ko din natutunan kung paano gumawa ng Wapsite (WML) wala pa akong PC nun Blankong papel at lapis lang gamit ko pag gawa ng WML site.

Wen.ru ang site na kung saan libre kang gumawa ng wapsite at I-manage ito.
Highschool pa ko nun unang makagawa ako ng site tuwang tuwa ako nun pinasikat ko sa magulang ko na makagawa ako ng site gamit lang yung bulok ko na Nokia 3530.

THE PRESENT

Oo alam ko, kung ikukumpara dati mas kumplikado ngayon at mas mahirap ngayon, mas kailangan intindihin at pag-aralan mabuti. Mabilis mag evolve ang technology natin ngayon isang iglap lang huli kana sa latest sa sobrang bilis pinag aaralan mo palang yung isang bagay next day may bago na kailangan mong I adopt.

Masaya lang ako na nakikita ko na ang tulad ng Forum na ito na hindi padin pala talaga nawawala yung Kultura na nasimulan dekada na ang nakalipas. Yung kultura ng mga pinoy na maka hanap ng libre yung maisahan yung mga mapanglamang .

Sa tuwing makakakita ako ng tutorial sa mga free things. lagi kong sinasariwa yung alala na nung panahon na puro CP lang hawak ko ay masayang masaya ako. dahil sa mga nadidiskubre ko araw araw.

Malungkot man isipin pero sa kwento ko na ito hindi ako sa IT field ako napadpad. Siguro dahil dalawang taon lang yung kurso ko at kailangan ko na magtrabaho agad para makatulong sa pamilya ko dahil hindi nga kami mayaman.

Related din naman sa IT ang trabaho ko kahit papano pero maliit na percentage nga lang. Ang ginagawa ko nalang e ina-apply ko nalang yung mga natutunan ko sa past,
sa trabaho ko ngayon most important ay yung diskarte, self-learning, reverse engineering.

Para sa lahat ng estudyante na nahihilig sa IT field at Tech enthusiast tuloy lang sa pagdiskubre.
Wag kakalimutan na I-share ang nalalaman sa iba, at kapag nag share ka wag manghingi ng kapalit dahil kusa mo itong ibinigay.

Kiniwento ko lang sainyo para sa mga hindi na inabot yung panahon na yun e may kaunting background sa history ng Free tricks sa pinas.

At kunting motivation nadin.

PS:

Kung may mali man sa detalye sa post ko paki correct nalang sobrang tagal nadin kasi kaya limot ko na yung mga exact details. Kung may nakakakilala man o nakakatanda kay IDOL Blogger paki comment naman.
Sa mga Admin at Mod hindi ko alam kung dito ba nababagay itong Thread na to or sa ibang category kayo na bahala mag lipat kung sakali na alam niyo kung san ito nababagay.

Salamat sa inyo at mabuhay kayong lahat.
 
Last edited by a moderator:
Parang makatulog ako saka basa paps hahahhahaha pero my point ka di katulad ng iba jan narinig lang nila ito dahil sikat ang thread nato
 
ako sa ******** yung 15mb limit promo ni smart sa operamini. tapos ipaste yung link sa hide.me para ma bypass yung limit.
 
Last edited by a moderator:
hahaha . nice thread ts . sarap balikan yung dating libre . yung tipong nagkalat lahat ng opera mini na kanya kanyang mode ng skin . haha
 
hahaha very interesting ang post mo ts natapos ko nyahahha tapos natawa ako ditto Yung kultura ng mga pinoy na maka hanap ng libre yung maisahan yung mga mapanglamang .
keep sharing ts at Salamat sa pag share
 
Pinaka unang tuklas ko sa palibre (bukod sa wap dahil d ko naman nagamit un) ay nuong nauso si HotspotVPN para kay Smart hahaha.

Then year later, nabalitaan ko na si psiphon tapos sunod sunod na haha
 
hahaha very interesting ang post mo ts natapos ko nyahahha tapos natawa ako ditto Yung kultura ng mga pinoy na maka hanap ng libre yung maisahan yung mga mapanglamang .
keep sharing ts at Salamat sa pag share

While waiting sa Established Status napag-isip ko na mag kwento muna haha
 
Salamat ts at pinaalala mo samin ang history ng freenet, malaking tulong ito para saming mga baguhan na balikan ang nakaraan.
 
Pinaka unang tuklas ko sa palibre (bukod sa wap dahil d ko naman nagamit un) ay nuong nauso si HotspotVPN para kay Smart hahaha.

Then year later, nabalitaan ko na si psiphon tapos sunod sunod na haha

Naalala ko yung DroidVPN may limit pa yun that time. parang 200mb ata.
Hindi ko lang sure kung ano nauna droidvpn ba or Psiphon.
 

Similar threads

Back
Top