What's new

Closed Tropa ng asawa

Status
Not open for further replies.

Mameow

Eternal Poster
Joined
Apr 25, 2018
Posts
726
Reaction
1,381
Points
495
ano ba dapat kong gawin hindi ko maexplain sa sirili ko bakit sobrang na dedepressed ako pag kasama ng asawa ko ang mga tropa nya o pag nag iinom sila, 5 months preggy ako at panganay namin is 10years old, ang sakit sakit sakin, feeling ko mag isa lang ako, ang naging set up namin ngayon is magkalayo na kami sabi ko "hindi ko kaya na hinahati mo oras mo samin ng mga anak mo kaya di na kita pakekelaman" at ngayon ayaw nya ako sustentuhan, hindi kami kasal, pero wala akong income as house wife at preggy pako, dapat ko bang tiisin nalang araw araw nasa kaibigan nya sya, o babalik nalang ako sa parents ko at tuluyan hiwalayan sya?.
 
Move on ka nalang madam, wala ka ng aasahan sa taong ganyan. Might as well focus ka lang sa bata at humanap ng trabaho. But, a man deserves a second chance po at pag-usapan nyo muna ng maigi at masinsinan kung ano mga desisyon nyo (y)

kasi in the end nasa sa iyo po ang huling sagot sa mga tanong mo po (y)

just an opinyon lang po madam
 
Move on ka nalang madam, wala ka ng aasahan sa taong ganyan. Might as well focus ka lang sa bata at humanap ng trabaho. But, a man deserves a second chance po at pag-usapan nyo muna ng maigi at masinsinan kung ano mga desisyon nyo (y)

kasi in the end nasa sa iyo po ang huling sagot sa mga tanong mo po (y)

just an opinyon lang po madam
ayun nga kasi financial wala talaga ako at bahay lang din kaya itulong ng parents ko gastusin hindi, at hindi pako nakapag work at hs graduate lang ako, linaan ko lahat sakanila pag aasikaso then, mas okay sakanya yung ganitong set up, gusto nya balikan ko sya para mabalik ang sustento samin.
 
ayun nga kasi financial wala talaga ako at bahay lang din kaya itulong ng parents ko gastusin hindi, at hindi pako nakapag work at hs graduate lang ako, linaan ko lahat sakanila pag aasikaso then, mas okay sakanya yung ganitong set up, gusto nya balikan ko sya para mabalik ang sustento samin.
Mahirap talaga ang sitwastyon pero may kasalanan ka din naman kasi madam. Dapat kasi aral muna bago ganyan. At ang resulta po nyan is yung sitwasyon mo ngayon. Ginusto nyo po iyan at panindigan mo or ninyo (y)
 
Mahirap talaga ang sitwastyon pero may kasalanan ka din naman kasi madam. Dapat kasi aral muna bago ganyan. At ang resulta po nyan is yung sitwasyon mo ngayon. Ginusto nyo po iyan at panindigan mo or ninyo (y)
yup matagal ko ng ginampanan pinag sisihan ang kasalanan ko at ginawa yung obligasyon ko sakanila sa point na wala nakong time sa sarili ko, at hindi ko nadin natuloy ang studies dahil inaalagaan ko sila inaasikaso may alam or advice ba kayo papano sya mahinto o kahit mabawasan lang sa pag iinom at kaibigan nya.
 
Balik ka na lang muna sa magulang mo hanggang sa maka panganak ka kasi lalo ka lang maiestress kung mag sasama kayo ngayon na mas pinapriority nya yung mga kaibigan nya kesa sainyo ng anak mo...
 
Last edited:
yup matagal ko ng ginampanan pinag sisihan ang kasalanan ko at ginawa yung obligasyon ko sakanila sa point na wala nakong time sa sarili ko, at hindi ko nadin natuloy ang studies dahil inaalagaan ko sila inaasikaso may alam or advice ba kayo papano sya mahinto o kahit mabawasan lang sa pag iinom at kaibigan nya.
I mean ganyan din kasi tatay ko pala-inom pero hinahayaan nalang ni mama.
Ang maipapayo ko lang is di mo po mapipigilan yung pag-iinom nya kasi its an addiction or way of relieving stress and problem po yan. Baka po ata may problema sya or kayo at dinadaan lang po sa inom at kaibigan nya para maging masaya or makalimutan ang mga problemang dinadaanan nya.

and one more reason is, pabaya or irresponsable lang po talaga asawa nyo madam.


at agree ako sa taas na comment po (y)
 
kasuhan mo sa dswd ng tumino! or di kaya magbigay ng sustento , yung sa pag inom talaga mahirap mawala yan. Pero if umiinom naman siya noon at nagsusustento nagbibigay ng sapat na pera e tiisin mo nalang para di kayo maging broken!
 
PARA SA MGA NAG TATANONG ABOUT SA SUSTENTO NG AMA SA MGA HIWALAY NA MAY ANAK. KASAL MAN O HINDI KASAL

BASA !!

ANG BATA O ANAK NA ISINILANG NA HINDI KASAL ANG MAGULANG AY DAPAT SA CUSTODY NG NANAY AT ANG TATAY AY BINIBIGYAN LAMANG NG BATAS NG VISITATION RIGHTS AT HINDI CUSTODY RIGHTS SA KANYANG ILLEGITIMATE CHILD. HINDI PWEDENG ITIGIL NG TATAY ANG PAGSUPORTA SA ANAK DAHIL LAMANG SA HINDI PAGPAPAHIRAM NG CUSTODY NG ANAK DAHIL ANG HINDI PAGSUPORTA SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY MAY PARUSANG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262. ANG PAGSUPORTA SA BATA AY HINDI RIN DAHILAN UPANG SAPILITANG KUNIN NG TATAY ANG ILLEGITIMATE NA ANAK SA KANYANG NANAY, DAHIL ANG NANAY ANG MAY SOLE PARENTAL AUTHORITY SA BATA. Ang suporta ayon sa batas ay isang legal obligation na walang kundisyon na pinapataw para ito ay maibigay ng magulang. Ang custody ng bata na pinanganak kung saan hindi kasal ang magulang ay binibigay sa nanay. Ito ay nasa Article 176 ng Family Code: "Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x" This is an absolute right of the mother at ang binibigay na karapatan lamang sa tatay ay visitation rights o ang karapatan na bisitahin ang bata. Ang nanay ang magbibigay ng karapatan sa tatay kung gusto nito na ibigay ang custody sa anak ngunit ito ay dapat dumaan sa korte. Ang pagpapahiram sa anak na illegitimate sa tatay o sa pamilya nito ay hindi agad nangangahulugan na binigay na niya ang custody ng bata. Ayon sa Article 210 ng Family Code ay ang "parental authority and responsibility may not be renounced or transferred except in the cases authorized by law." Ibig sabihin ay ang karapatan ng magulang ay hindi basta-basta naiwawaksi o naililipat maliban sa mga kaso na pinapayagan ng batas. Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang. Ang karapatan ng magulang sa anak naman ay nawawala rin ayon sa Article 229 ng family Code, (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority. Also, Article provides na "If the person exercising parental authority has subjected the child or allowed him to be subjected to sexual abuse, such person shall be permanently deprived by the court of such authority." Dahil ang custody at parental authority ng isang illegitimate child ay binibigay sa nanay ng bata, ang tatay ng bata ay walang legal na basehan upang magbigay ng kundisyon para sa pagbibigay niya ng suporta. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment) #BrgyVAWC-DO 3 hrs ·
 
Kung ang partner mo ay nagpapakita ng kawalan ng respeto sa inyo ng iyong anak...

Mas mabuting humingi ka na ng legal advice at sundin ang mga nararapat gawin bilang isang responsableng magulang sa bata.

Ipakita mong mas responsable ka kesa sa partner mo...pag dating sa kapakanan ng bata.
 
Pwede kasuhan yung ganyan alam ko,tyaka yung mga nagyayaya manginom sa totoo lang medyo mga bad influence yan tuturuan ka nila uminom tapos sasabihin wala namang masama kahit nakaka perwisyo...mga friends ko mga manginginom pero napaka dali naman iwasan kapag nagyayaya gagawa kalang dahilan kahit magtampo sila sayo ayos lang mas ok unahin yung family kasi kung pamilyado kana dapat family first di ko talaga alam kung bakit maraming ganung totoo mga lango sa alak
 
Last edited:
pa bousy mo asawa mo kahit di kayo kasal. mag kakaroon kayo ng agreement sa brgy at pag katapos mong manganak mag trabaho ka. kesa sa may asawa ka nga wala nmn kwenta.
 
Kausapin mo ng masinsinan ang kinakasama kung kaya pa ba niyang magbago pero kung hindi umuwi ka nalang sa magulang hanggang makapanganak ka at makahanap ng trababaho pero kailangan ipa baranggay mo muna ang kinakasama mo para mabigyan niya ng sustento ang kanyang anak.
 
Ganyan din ako dati sa misis ko. Pero nagbago ako kase mahal ko sila pareho. Mahilig ako makipaginuman noon sa mga kawork ko minsan umaga na ko na nakakauwi at di na ko nakakapasok kasi walang tulog at may hangover. Bukod pa yung mga barkada ko sa lugar namin na kainuman ko at kasama ko sa pagdodota. Lagi ako inaaway ng misis ko pero hinahayaan ko lang sya kasi ang iniisip ko nakakapag bigay naman ako sa kanya ng pera di ko na inisip na wala na kong time para sa kanila. Hanggang sa umabot kami sa point na maghihiwalay na sana kami at nasabihan pa nya ako na ayos lang daw kahit wala na daw ama anak namin kayang kaya daw nilang mabuhay ng wala ako. Napasakit na sampal para sakin non. Kaya pinilit ko magbago non para sa mag-ina ko. Yung pagbabarkada ko iniwan ko at yung mga bisyo ko itinigil ko. Kaya ngayon kung magiinom ako kasama mga kawork or kabarkada ko si misis ko pa magdedesisyon kung papayagan ako. At pag nalate ako ng uwi at tulog na sila sa labas na ko ng bahay papatulugin, pag sa bahay naman kami naginom dapat pag matutulog na sila nakapag pack up na kami. Mahigpit asawa ko at kahit sabihan man akong under ayos lang saken. Kase kung di naging mahigpit misis ko sakin di ako magkakaroon ng disiplina sa sarili. Nasa tao padin yan TS kung willing sila magbago o hindi.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top