What's new

Help 8 years na sa trabaho pero walang asenso. Anong gagawin ko?

kung magkaka college na anak mo ts try nya magworking student, ganyan ginawa ko para hindi na saluhin ng magulang ko mga gastusin ko sa pag aaral at natuto pa ako magpahalaga sa sinesweldo ko na gastusin ng tama which is para matuto na rin ang anak mo ts
 
Sa totoo, ikaw dapat ang mag-desisyon para sa sarili mo dahil ikaw ang nakakakilala sa limitasyon ng kakayahan mo. Huwag mong sanayin na iba ang magdikta ng kapalaran mo. Dapat, alam mo rin ang dahilan kung bakit ka di ma-promote, di mataasan ng sweldo, at nakagplano ka na rin sa maaring mangyari sa mga kundisyong hinaharap mo bago umabot sa 8 na taong pagtratrabaho. Something is wrong kung 25K ka for 8 yrs. You need to know why and be ahead of everything. Bubunga lang ang pangarap mo kung bukas ang isip mo sa lahat ng detalye ng pangyayari sa iyong buhay (maganda man o pangit) at kung "in control" ka na sa buhay mo. It takes time, effort, and patience. Kailangan mo/ninyo ng "sideline" or 2nd job na online din since yon ang mode mo for work kung wala ka pang opportunity sa iba like going abroad.
Eka nga , be true to yourself and you have to know the entirety of what is happening! Kailangan may plano ka, backup strategy, na kaya mong gawin, at tuparin yung gusto mong mangyari. Lahat tayo ay may kanyang-kanyang talent, skill or "gift" na sa atin ay madaling isagawa dahil at ease tayo doon. Sa edad mo, alam mo na siguro kung ano yang "gift" mo o kung saan ka magaling. Kung yang "gift" mo ay kaya mong i-apply sa trabaho mo ngayon, try to double your effort to do it, baka-sakaling magbunga yan. If not, find a job or jobs that you can take advantage of your "gift". But you need to face the risks, ganyang talaga ang proseso. Hindi madaling magbago ng trabaho at maghanap ng gusto mo in an instance. It's a mixture of luck, opportunity, hard work and a lot of ups and downs.
Para sa ibang tulad mo, ito yung experience ko. Ayos naman ang takbo ng sweldo kahit mabagal yung promotion for 15 yrs noon sa dati kong trabaho locally. At first, I just spent my early years on an "eat, sleep, work, repeat" routine just like everybody else. But I learned to love my work, and focused on becoming the best - be "NO. 1". Pag magaling ka kasi sa field mo, you're always in control - sakop mo lahat pati amo mo at salary increase mo he he. In my norm, position is just a name. What really counts is what's inside your brains. Yan yung magdadala sa'yo. So I honed my skills using my "gift" while at work - not on getting higher positions on a desk. Maraming klase kasi ng promotion. Sa umpisa ay standard lang yung position, but as you go higher it depends mainly on availability of the slot depending on company tree/structure/organization. Sinamanatala ko yung pagkakataon na mag-resign noong dumating na nagbigay ng good separation pay na di ko matatanggihan (200%). Yung dahilan lang para bigyan ng resignation ang pinakamahirap dahil next-in-line ako for a major position. So we formed a "UNION" for my supervisors which we won, and that paved the way for my "bad" exit. Naging allowance ko yang separation pay habang naghahanap ng next phase ng career ko. Medyo nag-intay lang ako ng ilang taon bago ko nakamit yung dream ko. I almost got bankrupted during this waiting period and it had a big impact on my relationship with my wife which took me years to mend. Di rin madali dahil mas mataas ang level of expectations, mag-adjust pa ako sa new environment kasama yung ibang lahi, yung competition among my fellow colleagues na kalaban ko rin sa bawat kontratang darating, at yung pagkakataong mag-isang gawin yung responsibilidad bilang isang contractual "specialist" sa lahat ng sulok ng mundong ipapadala ako. It's both scary and challenging.Though short-lived (only 8 yrs.) due to health issues, I was still happy I achieved my dream without regrets. Pinlano ko lahat kahit mahirap gawin dahil yon ang gusto ko. So if I can do it, anyone can do it! Just choose the right path and everything will go in place even with consequences. As system corrupt stated, you first need to learn to take a risks!
 
abroad ang sagot jan.
IT Support dn ako, nung nasa pinas ako wala ako naipon at naipundar. Ngayon andito ako sa middle east IT Support dn work ko. Nakapagpatayo na ko sariling bahay. at nabibili ko lahat ng luho ko.
 
Business, investments learn to make cashflow take risks read books para madagdagan learning mo rich dad and poor dad yan unang book na binasa ko pero kung ayaw mo mag abroad ka nalang choice mo pa rin sa huli

If You Change Your Mindset, You Can Change Your Life​

 
Mas malaki pa pala sahod ng factory worker sa taiwan. 40k sahod dun pwera pa OT, Basic salary lang.
 
Para sakin malaki na 25k pag marunong ka humawak ng pera, baka gastus kayo ng gastus ipunink kasi tapls invest niyo tyaka na kayo gumastos ng malaki pag malako na rin investment niyo
 
Nakakalungkot isipin na sa 8 years mo sa pagtatrabaho wala pa rin kayong sariling bahay o baka di nyu pinaprioritize yun? Mas okay kapag may sariling bahay at lupa lods tingin ko mas makakatipid at makakaipon siguro kapag ganun. About naman sa pagiging walang asenso tingin ko diskarte lang yan lods try mo mag sideline para extra income
 
try mo humanap ng sideline ts. since IT ka madami ka matratrabaho in the comfort of your sit. graphic design, web design, mga system sa mga maliliit na company. minsan no need to go abroad kasi yung kikitain mo sa abroad, pwede mo makita dito talagang hahanapin mo lang. pero grabe yung 8 years mo dyan sa company nyo. wala man lang kahit ano. tsk
 
Brad kung ako sayo diyan ka nalang i-settle mo Ng maayos yang pera mo. Alam mo Ang mas maganda mong gawin invest mo yong pera para sa anak mo yan Ang the best gamitan mo na din Ng diskarte. Simple man Ang buhay at Hindi nakukuha agad Ang mga gusto Ang importante umuusad dahil Ang buhay ay Hindi Naman paligsahan mahalaga kuntento ka at Masaya. Godbless brad and gudluck kaya mo yan sending hug nadin brad ramdam Kita.
 
IT support ka diba? eto lods, try mo maghanap ng sideline pag may freetime ka like format, software installations,etc. Pangalawa is try mo ding maghanap ng trabaho abroad dahil alam ko malaki ang sahod dun, at kung may napundo kana pwede ka magisip ng negosyo na maliit lang at wag mo muna sagarin. Daming pwedeng diskarte paps, pareho tayo ng daan ngayon eh dinadaan ko nalang sa tawa o di kayay san pwede maging masaya. Diskarte lang talaga, mindset lang.
 
FYI lang po, hindi po madaling mag-abroad, not in the sense na dahil malayo ka sa family mo pero workwise hindi madali maghanap ng work, kadalasan ang mga work na available ay hindi para sa gusto mong field, halimbawa dito sa middle east, marami ang opening sa mga gusto magtrabaho sa service industry like resto and hotels, ang sahod mababa lang din, average salary (1500 AED or almost 20k pesos), swertihan na lang kasi ung iba sa mga magagandang company sila nakakapasok,

Kaya po for me, advice lang kung may work ka dyn sa pinas ok na yan, tas magtayo ka nalang din ng business mo, ganun din naman kami na mga ofw, ipon ipon para makauwi ng pinas at makapagtayo ng sariling negosyo,

sana hindi maoffend ung iba na abroad ang sagot agad,
 
negosyo siguro ang kasagustan talaga. kase ayan ang kadalasan gusto ng mga nagiibang bansa para hindi na malayo sa pamilya.
 
Back
Top