What's new

Closed 2| DI KO KAILANGAN NG KAIBIGAN!

Status
Not open for further replies.
Chapter 1 - https://phcorner.net/threads/727813/#post-12541363


Tunay na title -
Buhay ang apoy

Chapter 2|
Last Period, para bang nablanko ang utak ko. Dahil dito, nagcutting class ako. Di ko alam ang pakiramdam pero naduduwag ako, Isipin mo, binigyan ka na nang isang daan, wala pa rin. Naguidance ka na nang labing lima, parang wala paring epekto. Ano kaya kung magpakamatay na ko? Yan ang tumatakbo sa isip ko.

Bago pa ko lamunin nang kahinaan ko, pumunta muna ako sa lugar kung san pwedeng huminga nang maluwag. Pero bakit andaming tao? Sinimulan ko palang maglakad di na ko makahinga. Anong klaseng enerhiya ang bumabalot sa buong pagkatao ko? Bakit parang natatakot na ko sa mga tao? Binilisan ko nang bahagya hanggang sa napunta sa punto na tumakbo na ko paalis.
"Balong bawal pa."

King ina nang guard na 'to, nakarehas na naman ako dito sa school.
"Ah sir pupuntahan ko lng ung kapatid ko sa hospital, tumawag kase sir"

Bawat letra dinamdam ko, inisip ko pang namatayan ako, para makita nya na seryoso ako sa mga pinagsasabi ko.

Inopen nyang bigla ang gate, maging ako nagulat, di ko alam na gagana ang sinabi kong un, siguro nakita nya sa mga mata ko ang sinseridad.

Dumeretso na ko sa payapang lugar, kung san matatahimik na ko.

Alam nyo yung, madamong lugar na may sapa o ilog sa gitna na nakikita nyo sa anime, tuwing nandidito ako, iniisip kong ako si kaneki.

Sa bawat alon ng tubig, pagsayaw ng mga damo dahil sa hangin, mas lalong gumiginhawa ang pakiramdam ko. Pero teka.
May kakaiba yata.

Hindi sa dumilim ang paligid o tumigil ang mundo. Pero nakapagtataka, natural lang ba 'to? Bakit parang bumilis?

.
.
.

Tumigin ako sa kalangitan, napakabilis ata magbago ng anyo ng mga ulap, maging ang alon, hangin, at mga puno. Hinaplos ko ang mata ko dahil hindi makapaniwala sa pangyayari. Sa madaling salita, nag fast forward ang kapaligiran. Pero pagbitaw ko, bumalik sa normal ang lahat. Gayunpaman, hindi pa ko bumalik sa pagiging normal. Mulat na mulat ang mga mata ko, hindi pa ma process ng utak ko kung anong nangyari -hanggang ngayon.

Nang huminahon saglit ang pakiramdam ko. Agad akong tumayo't tumakbo, at umuwi nang bahay. Pero bawat hakbang na lumilipas, napatigil akong bigla, di ko maipaliwanag pero nakatulala nalang ako sa mga nangyayari. Kase naulit na naman ang kababalaghan na nangyari kanina.

Napatingin ako sa orasan na mistulang naging electric fan sa bilis.


.
.
Wala akong ideya. Tsaka bakit parang naggiglitch ang mga taong nasasakupan ng paningin ko? Mga Siraulo ampota

- To Be Continued -
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top