What's new

Closed Duterte Drug War

Status
Not open for further replies.
Sobrang Laki ng pasasalamat ko at ng aking pamilya sa wakas magkakaroon na ng pag asa ang aking Kapatid at Tiyuhin para mag bago sa loob ng kulungan.

Nahuli sila sa Drug Raid sa bahay mismo ng Tito ko. Matagal na sila sinasabihan ni mama na tumigil na pero ayaw nila talaga , wala kming magagawa. Nadakip sila ng mahinahun kasi di sila lumaban at sumuko sila ng maayos.

Opinion ko lang sa mga namamatay sa Drug Raid, Syempre sa tingin mo ano gagawin ng mga Kapulisan o Pdea kung tangkang babarilin sila ng mga Suspek? Magpapabarip nalang ba sila?

Meron ding High Value Target na kahit mayor namin at mga brgy official ay inis at galit sa kanya. Sinusumbong naman sya namin sa mga police pero madulas talaga at di mahuli huli. Sa tuwing Raid ay wala kahit isang items makikita sa kanilang bahay at negative naman sya sa drug test kaya nakakalaya kaagad.

Last Month, may Pumatay sa kanya na dalawang Riding in tandem, di alam ng mga Police kung sino ang gumawa. Pero sa tingin ng nga tao ay Duterte ang nagpapatay sa kanya. Kaming ka brgy ng Drug Pusher nayun ay nag papasalamat dahil ligtas na ang mga kabataan dito samin sa Druga. Sa tingin ko kung mahirao kana talaga hulihin at alam naman ng lahat na sangkot ka sa Druga itutumba knalang. Agree ako dyan. Kapalit ng isang buhay ay kapalit ng kaligtasan ng libo libong kabataan .

Nadudungisan lang ang PNP dahil sa mga ganid na Pulis sa Pera. Kaya patuloy rin ang panghuhuli ng mga corrupt na pulis ng PNP sa utos ni Duterte

Pinakamahalagang Tanong: Bakit ka Matatakot sa EJK kung wala knamang ginagawang kasamaan na makaka apekto sa kapwa mo?

Kayu ba anong kwento niyo tungkol sa Topic na ito. ????
 
Last edited:
Yung dalawang pusher dito sa subdivision namin tinumba din, dinukot sila ng sabay tapos nakita na lang sa bulacan mga katawan nila. Nahuli na sila dati, bumalik lang ulit sa pagtutulak kaya tinuluyan na ng mga lespu. May mga adik parin sa lugar namin pero patago nalang sila di tulad dati lantaran talaga.
 
Yung dalawang pusher dito sa subdivision namin tinumba din, dinukot sila ng sabay tapos nakita na lang sa bulacan mga katawan nila. Nahuli na sila dati, bumalik lang ulit sa pagtutulak kaya tinuluyan na ng mga lespu. May mga adik parin sa lugar namin pero patago nalang sila di tulad dati lantaran talaga.
Kung ako tatanungin mas pipiliin ko nalang mamatay ang mga pusher kesa malasun isip ng maraming kabataan. Kahit na Pamilya ko ang pusher nayan
 
awinahe ang naranasan ko hango sa totoong buhay naranasan ng mga member ng pamilya ko.
Ez lang sa inyu na magsabi na against kayu sa Drug war. Kung naranasan mo lang naranasan ni mama dahil sa Pusher nyang anak at kapatid ano kaya mararamdaman mo?
 
hindi masama yan.kesa naman papakainin pa sa kulungan at babantayan mamatay nalang sila dahil salot sila sa bayan.wag lang fall guy,kasi aminin natin at hindi meron talagang fall guy.yun sana maisaayos ng intel ng pnp para mangyari yung tunay kapanatagan.
 
may kapitbahay kami na hinuli dahil sa droga, hinihingian ang pamilya nya ng 50k para makalaya sya, kaso di nila binigay dahil sa kakapusan ng pera after a few days namatay sya sa loob ng kulungan, ang problema di sya adik. dinampot lang sya para kikilan ng mga pulis, asan ang hustisya?
 
may kapitbahay kami na hinuli dahil sa droga, hinihingian ang pamilya nya ng 50k para makalaya sya, kaso di nila binigay dahil sa kakapusan ng pera after a few days namatay sya sa loob ng kulungan, ang problema di sya adik. dinampot lang sya para kikilan ng mga pulis, asan ang hustisya?
Pinagsasampal na nga ni albayalde mga corrupt na pulis nayan. Pero ang goal ni duterte malinis ang bayan doon ako bilib
 
Walang drug war ang nagtagumpay kahit Amerika. Kahit pa patayin mo lahat ng drug pushers at drug addicts ngaun, may susulpot na pushers at addicts pa rin. Ginawa na ng Latin America ang ginagawa pa lang ngaun ni Duterte. 30 years na ang drug war sa Colombia at 220,000 ng tao ang napatay nila pero hindi pa rin nasugpo ang îllégâl drug trade. Ganun din ang mangyayari sa Pilipinas.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top