Yang video card mo ay built in sa motherboard mo. Hindi yan sa katulad dedicated Video card. Mas low performance yan. Kahit pa ikumpara mo yan sa entry level o pinaka cheap na dedicated Video card na ni release within the same year as your built in video card. Mangungulelat pa rin yang built in Video Card mo. At Isa pa yang 521mb na video ram mo ay kukunin yan sa system ram. Halimbawa, may 2GB ka na System ram sa Desktop mo. 3.4GB na lang ang magiging usable system ram mo dahil ang 521mb ay naka reserved na for use sa built in Video card mo.
Also, muntik ko nang malimutan hindi ang video ram ang basehan kung mabilis ang Video card mo. GPU clock o core speed ang hanapin mo. Kahit pa ilang Gigs yang video ram mo kung ang GPU clock speed mo ay parang calculator lang. Tae pa rin ang labas nyan.
Ano bang mga PC games ang nilalaro mo? Kahit ba mga lumang games katulad ng Warcraft III mabagal pa rin? O baka naman pilit mo pina aandar mga graphically taxing games na year 2011 pataas? Dahil sa post na specs mo parang pang low end 2010 na setup pa yan. System ram lang yata ang medyo OK.
Installed ram ay 4GB pero ang usable ram 3GB lang? Saan napunta ang natirang 500mb+ na system ram?