What's new

5 years

Poks17

Honorary Poster
Joined
Oct 16, 2021
Posts
468
Reaction
204
Points
146
Di ko alam anong gagawin tulong naman huhu so bali mag 5 years na kami ng jowa ko. Pero feeling ko hindi ko sya mahal. I mean mahal ko din naman sya bilang kaibigan at parang kapatid at bestfriend ko na rin sya. We're legal both side kase kaya super close. Alam niyo ba yung feeling na hindi mo naman sya ganon ka mahal pero ayaw mo din sya mawala?
 
Selfish ba ko kase di ko sya kayang mahalin ng totoo pero ayaw ko din syang bitawan? HUHUHUH she saved me from my past, she's always there everytime I need her. Ayoko siyang saktan pero di rin pwedeng ganto nalang kami habang buhay. Sana mapatawad niya ko pag dating ng panahon na aminin ko to. 😭💔
 
Awts lods ang sakit nyan sa partner mo 5 yrs kayo.

Pero I advise, try mo balikan yung bago palang kayo. Isipin mo nung bago palang kayo kung bat mo nagustuhan tong babae na to.

Sa 5 yrs makikita mo dyan flaws ng partners natin. Sa 1-2 yrs sa relasyon di pa natin nakikita flaws ng bawat isa. And normal lang yan. Dadaan tayo sa point na feeling natin wala na yung love. Pero mostly mali dahil part lang yun na makafeel ng ganun at dyan na papasok na balikan yung dating kayo yung bago palang kayo. Parang reminder yan "eto kayo nung una"

Sana nagets mo lods. Going 4 yrs na kami now ng partner ko. Love is a choice.
 
Kung di mo na mahal eh hiwalayan mo na para maka move on siya kaagad. Mas pinapatagal mo mas lalo mo siya papahirapan
 
5 yrs kayo pero di mo sya mahal? Tol sakit nyan pag sinabi mo sa gf mo yan. Pag isipan mo muna. Kase kung ako lang di nako maghahanap ng iba e. Kasi sabi mo nga lagi sya nanjan para sayo. Swerte na tawagin pag ganyan. Kesa mag gf ka ng bago pero di naman ganyan. Wag ka sa face bumase. Sa ugali. Piliin mo yung laging nanjan para sayo.
 
Eto yung sinasabi ng iba na mahal mo lang sya dahil kailangan mo sya.. hindi nya deserve yung ganyang klaseng treatment totoo na selfish ka dahil mas iniisip mo kapakanan mo kaysa sa partner mo.. ibigay mo sa kanya ang love and freedom na nararapat at deserve nya kung di mo maibigay ng buo ang pagmamahal mo sa kanya mas mabuting ibang tao na lang ang magparamdam non dahil ayun ang deserve nya
 
kung ayaw mo syang saktan dimo sana nilapit sarili mo sa kanya kung hindi mo naman totoong mahal,bka may gusto ka lang makuha palagi sa kanya para sa sarili mong kaligayahan
Wala naman lods. Kala ko kase noon matututunan ko dn syang mahalin. Bait kase nya, maganda, maalaga, masipag, apa ka buting tao niya. Pero hindi pala mapipilit ang puso lods. Alam naman nyang mahal ko pa yung totga ko. 😣

Awts lods ang sakit nyan sa partner mo 5 yrs kayo.

Pero I advise, try mo balikan yung bago palang kayo. Isipin mo nung bago palang kayo kung bat mo nagustuhan tong babae na to.

Sa 5 yrs makikita mo dyan flaws ng partners natin. Sa 1-2 yrs sa relasyon di pa natin nakikita flaws ng bawat isa. And normal lang yan. Dadaan tayo sa point na feeling natin wala na yung love. Pero mostly mali dahil part lang yun na makafeel ng ganun at dyan na papasok na balikan yung dating kayo yung bago palang kayo. Parang reminder yan "eto kayo nung una"

Sana nagets mo lods. Going 4 yrs na kami now ng partner ko. Love is a choice.
Kahet nung una lods wala eh. Naka ilang gf nako after namin mag hiwalay nung totga ko. So far si road to 5years yung pinaka matagal. Grabe yung pasensya niya saken. Ohhh gooood di ko siya deserve. Huhuhuh sana pwedeng turuan ang puso. 💔💔

Kung di mo na mahal eh hiwalayan mo na para maka move on siya kaagad. Mas pinapatagal mo mas lalo mo siya papahirapan
Yun na nga lods eh. Hiniwalayan ko na pero matagal na nung 1year palang kami lods tsaka nung 3years kase na realize kong si ex parin pala yung hanap ko. Wala eh, ayaw nya kong bitawan 😣💔

5 yrs kayo pero di mo sya mahal? Tol sakit nyan pag sinabi mo sa gf mo yan. Pag isipan mo muna. Kase kung ako lang di nako maghahanap ng iba e. Kasi sabi mo nga lagi sya nanjan para sayo. Swerte na tawagin pag ganyan. Kesa mag gf ka ng bago pero di naman ganyan. Wag ka sa face bumase. Sa ugali. Piliin mo yung laging nanjan para sayo.
Dyosa to lods. Anghel na bumagsak mula sa langit. Yun nga lang may pagka demonyo yung natipuhan niya. 💔💔💔
Isa pa yun lods. Di hamak na mas maganda siya kay ex. Pero wala ehh sigaw ng puso ko si ex pa rin.

Eto yung sinasabi ng iba na mahal mo lang sya dahil kailangan mo sya.. hindi nya deserve yung ganyang klaseng treatment totoo na selfish ka dahil mas iniisip mo kapakanan mo kaysa sa partner mo.. ibigay mo sa kanya ang love and freedom na nararapat at deserve nya kung di mo maibigay ng buo ang pagmamahal mo sa kanya mas mabuting ibang tao na lang ang magparamdam non dahil ayun ang deserve nya
I tried po. So many times. Pero baliw na talaga saken to. My time pa nga nun na gumamit ako ng friend of friends ko kunwari nag cheat ako pero hindi. Pero nag stay pa rin sya huhuhu apaka buti niya talaga. Sana matutunan ko na din syang mahalin 😣
 
Attachments

Last edited:

Maganda si ate sa totoosin lang pero paps hindi nya parin deserve yung treatment na ganyan ikaw ang lumugar sa sitwasyon nya.. paano kung sya yung mahal mo at di ka rin nya magawang mahalin.. ano mararamdaman mo? At ano gagawin mo? wag kang matakot masaktan sya dahil ayun ang katotohanan na dapat nyang malaman na di mo talaga sya magawang mahalin kaysa ikulong mo sya sa relasyon na hindi naman sya napapahalagahan ng tunay dahil di ka naman talaga natatakot masaktan mo sya natatakot kang mawala sya kasi kailangan mo lang sya at hindi yan love
 
Similar threads

Back
Top