sa dinami-daming pangyayari sa ating bansa. kamusta kaya ang pilipinas after 5 years?
tuluyan kayang nasakop na tayo ng mga chinese?
maayos na ba ang mga kalsada?
mura na ba ang mga bilihin?
makakalangoy na ba tayo sa manila bay?
makakapag adjust na ba tayo sa climate change?
haha nangangarap kasi ako na sana after 5 years makasabay na tayo sa ibang bansa at sana maging maayos at mapayapa na ang lahat.
sana.....
maganda umaga!!
tuluyan kayang nasakop na tayo ng mga chinese?
Hindi mangyayari yon bosing at di yan gagawin ng Tsina. Giyera ng superpowers (I-n-t-s-i-k, K-a-n-o atbp.) kung mangyari man yan dahil sa individual interests ng mga bansang yan, at yon ang iniiwasan din ng Tsina, natin at mga karatig bansa na involved sa SCS claims. Ang Tsina ang hari ng ASEAN at Asian region kaya mahirap i-pressure sila sa kahit anong paraan. Walang magagawa ang UNCLOS kahit via "international law" dahil di naman sila (Tsina) naniniwala dyan, at matatag sila (Tsina/Taiwan) na kanila yung SCS 9-line kahit di tanggap din ng buong mundo. Ganyan talaga kapag "superpower" na bansa ang naapektuhan; may kapangyarihan silang "tumanggi". Di ba po ang K-a-n-o ay ganoon din? Masakit mang isipin, maliliit na bansa lang ang kaya ng "international laws" na pasunurin. Tamang diplomasya na lang ng mga Asian SCS claimants (Pilipinas, Brunei, Vietnam, Indonesia, Malaysia, PRS, ROC) ang kailangan at mga pansariling pag-papaunlad ng ekonomiya para maibsan yung tensyon ng mga ito. Walang garantiya, mabagal na proseso, pero ito ay mas mainam kaysa magpumilit sa di naman natin kaya. Alam din ng lahat ang masamang dulot ng giyera di po ba? Ang importante, ipaglalaban pa rin natin ang ating karapatan tulad nila!
maayos na ba ang mga kalsada?
Pondo lang po ang kailangan nyan, tamang design/bidding at pagpa-plano ng mga local na pamayanan. Depende na yan sa ating mga ibinoto he he.
mura na ba ang mga bilihin?
Ang presyo po ng bilihin ay nakapende sa maraming kadahilanan, kasama na dyan yung law of supply and demand. Yung presyo ng krudo, halaga ng dolyar rin ang mga dahilan para tumaas o bumaba ito. Kung stable naman ang ekonomiya ay maaari nitong i-kontrol ang presyo ng bilihin. Since tinatangkilik pa rin natin ang krudo (at wala tayong hinahahanap na pamalit) sa panahon na yan, tataas pa rin ang bilihin. Tulad po ng sinabi ko, kung matino ang mga namamahala, may pag-asa na mapigil man lang ang pagtaas - pero mahirap yon!
makakalangoy na ba tayo sa manila bay?
Kahit pa po may sariling paraan ang kalikasan para linisin ang karagatan dyan sa Manila Bay, doble at triple pang dekada ang bibilangin para yan ay malinis ng tuluyan. Dahan-dahan po yang babalik sa dating estado kung ipagpapatuloy natin ang paglilinis, at pag-kontrol ng polusyon sa kapaligiran at tubig na dumadaloy dito galing sa siyudad.
Kung lalangoy ka lang, pwede naman. Try at your own risk eka nga, he he.
makakapag adjust na ba tayo sa climate change?
Sa ayaw at gusto natin ay dapat lang po. Aware naman tayo sa takbo ng ating panahon - mas iinit sa tagtuyo at posibleng lalakas ang ulan at bagyo dahil sa global warming. Tamang edukasyon, impormasyon, at common sense na lang po ang kailangan para makapag-adjust sa pagbabago ng klima. Ang sinasabi ko po ay bilang mga taong naninirahan sa Pilipinas. Priority din po ng gobyerno natin ang pagsunod sa takbo g "climate change".
Kung ang tinatanong mo po ay yung compliance ng Pilipinas sa climate change ayon sa Paris Agreement c/o United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) na pinirmahaan at enforced sa atin nitong April 22, 2017, tungkol sa pagpigil ng global warming ng <2 deg C ay maaring di natin kaya pa sa ngayon dahil sa ating industrialization projects (na pangkasalukuyang pangangailangan) at patuloy na pagtangkilik sa krudo. Pero meron nang proyekto ang ating gobyerno (a.k.a. comprehensive climate change reform agenda) laban sa climate change c/o Climate Change Commission (CCC) na head si DU30, Department of Budget and Management (DBM), National Economic and Development Authority (NEDA), and the Department of Finance (DOF), World Bank at tulong galing sa Australian government. Hangarin nito na magbigay ng mga "green" projects (renewable energy) para sa ekonomiya, trabaho, mapabilis ang imprasraktura at saganang agrikutura, palakasin yung seguridad ng disaster prone areas sa provincial at national levels atbp.
nasagot ko ba ng maayos ang tanong mo bosing?