What's new

Closed Si cristo ang nagtayo ng iglesia ni cristo sa pilipinas

Status
Not open for further replies.
Paki basa po ulit para maintindihan mo po..

Aling malayo ang kinaroroonan ng mga tupa ni Jesus na hindi pa tinatawag noong panahong narito pa Siya sa lupa kaya sila’y wala pa noon sa kulungan? Ito ang malayong silangan. Ayon sa mga kumakaaway sa Iglesia ni Cristo, wala raw mababasang “Malayong Silangan” sa Biblia. Mayroon daw mababasang “silangan” na ito ay nasa talatang 5, at “malayo” na nasa talatang 6; subalit iyong magkasamang salitang “Malayong Silangan” ay hindi raw mababasa sa Biblia. Hindi nga kaya mababasa sa Biblia ang salitang Malayong Silangan? Kung mabasa namin, tatanggapin kaya ng mga umuusig sa Iglesia ni Cristo na sila’y nagkamali at sila’y walang malay sa Biblia? Patutunayan naming mababasa sa Biblia ang salitang Far East o Malayong Silangan. Sa Bibliang Ingles na salin ni James Moffatt ay ganito ang maliwanag na nakasulat:

From the far east will I bring your offspring …”

Sa Wikang Pilipino:

“Mula sa malayong silangan ay aking dadalhin ang iyong lahi …”

Hindi ba maliwanag na nabasa ninyo ang salitang Malayong Silangan? Maliwanag!

Bakit sa Bibliang Tagalog ay wala ito? Hindi na kami ang may kasalanan nito kundi ang mga nagsalin sa Tagalog ng Biblia mula sa Ingles—mga Katoliko at Protestante.

Alin ang bansang nasa Malayong Silangan? Sa World History nina Boak, Slosson at Anderson, pahina 445, ay ganito ang nasusulat:

“The Philippines were Spain’s share of the first colonizing movement in the Far East;”

Sa Wikang Pilipino:

“Ang Pilipinas ay naging bahagi ng Espanya sa unang kilusan sa pananakop sa Malayong Silangan;”

Kung gayon, taga Pilipinas (mga Pilipino) ang mga tupa ni Jesus na wala pa sa kulungan noong panahong narito pa si Cristo sa lupa.

Ikaw po ba hindi ka taga pilipinas?
So ts. Inaamin mo na iniinterpret nyo lang ang bible base sa nagsalin nito.! ?? . kung ganyan din lang bat pa kayo naniniwala sa bible na hawak nyo ehh tao lang nagtranslate nyan. Ok sana kung yung original hawak nyo mas may credibility pa na magsalita kayo word for word.
 
1.)self-proclaim na sugo si Felix Manalo,wala namang vision,o manifestation sa kanya ang Panginoon,natalo nya pa si Hesus,may mga anghel pa na nagpakita sa mga shepherd para lang may patunay nang kanyang pagkaanganak.
2.)Yung mga scriptures na ginagamit nyo na patotoo sa pagiging sugo ni Felix Manalo ay puro confirmation bias,inaassume nyo agad na sya ito kahit hindi pa pinagaaralan ng mabuti,Paano sya yung black raven sa Isaiah?eh tumutukoy yun sa Hari ng Persia.
3.)100 years na kayo pero puro Filipino pa din mga members nyo,talo pa kayo ng JW,kaunti nga ang bilang nila,per di hamak na mas globalized ang members nila,mas madami pa nga outside sa US ang number ng members nila.
 
hahaha dalas ko madinig ang salita na to sa mga INC

i debated many of your debaters in facebook.

ang tanong lang ay eto saan nyo kinuha ang batayan sa bibliya na si jesus ang nag tatag ng iglesia ni kristo sa pilipinas at d si manalo?

ang batayan nyo kasi sa bible ay itong talata na to

And I tell you that you are Peter, and on this rock I will build my church, and the gates of Hades will not overcome it. -Matthew 16:18

na siyang batayan din lahat ng sekta ng kristyanismo.

kung lalawakin natin ang pag susuri mas matibay pa ang batayan ng iglesia katolika at ng orthodox coptic church sa inyo dahil ang batayan nila ay apostolic succesion which traced back with peter the apostle na tinuturing nilang unang pope ng catholic church, and saint mark sa kaso naman ng orthodox coptic church

ang iglesia tinutukoy ay ibilinin kay pedro bilang pangunhing apostol at my literal na batayan ang katoliko dyan

dahil para sa kaalaman ng mga INC ang Labi ni peter ay nasa ilalim ng St Peter Basilica sa Vatican City kaya sa literal na paliwanag ay na fullfil nila ang nakasulat sa bibliya na since ang pinaka magarang simbahan nila ay nakatayo sa ilalim ng libingan ng apostol na si pedro.


lagi ko nakikita na panay ang atake nyo sa iglesia katolika pero ni di nyo magawang humarap ng maginoong debate kay ustadz ahmad barcelon at ustadz indasan mga batikang islam defender :)

anyway sa tingin ko ay wala kayo karapatan i aglahi ng INCM ang iglesia katolika dahil iyang bibliya na ginagamit nyo
ang iglesia katolika ang nag compile nyan bilang isang cannonical bible.

tapos tatawagin nyo pagano ang bawat katoliko.

kung pagano pala sila abay gumawa kayo nang sariling bibliya nyo at wag nyong gamitin ang canonical bible dahil gawa pala yan ng paganong relihiyon (catholic church)

irony diba? think about it.
 
Hay naku... eto na naman kami sa usapin tungkol sa "tunay at hindi tunay".
Kung pwede lang ay tigil-tigilan nyo na yan.
Kayong mga INC puro na lang kayo.
Kayo ang tunay...
Kayo ang maliligtas...
Sige kayo ng lahat.
Pero katoliko ang founder nitong phc kaya dahan dahan kayo sa pagsasalita at baka biglang lumabas ang dios ng phc at lipulin kayong lahat mula sa site na to.
Pasalamat kayo at pinapayagan pa kayo mag post ng ganito.
Lumabas na si baganing lakas haha
 
eto ang mansion ng kanilang TAGAPAMAHALA
na may Olympic size Swimming pool with Concrete Fences as high ad 4 storey building

at ang kanilang Templo Central

na halos magsinlaki lang

1522924764913.jpg 1522924721046.jpg
 

Attachments

Ayan na nanaman tayo eh kapagka Katoliko bulaang propeta na agad. Wagkasi tayong pupulot ng bato na ipupukol sa ating kaaway.

Alalahanin natin ang turo ni Jesus na gantihan ng kabutihang loob ang nakagawa ng masama sa iyo. Sinasabi ng ilan na ang taong nakagawa ng masama ay inaalihan ng Demonyo. Pano kaya kung nalagay kayo sa sitwasyon na sarili nyung ina ang nakasakdal babatuhin nyu kaya hanggang mamatay.
Si Jesus buhay na sa kaitaasan bago pa ito isilang. Sa paniniwalang Katoliko si Maria ay kinasi ng Spiritu Santo at manganganak ng isang lalaki.

Sa mundo ng Spiritu doon mo lang matatanggap ang kaluwalhatian ng Diyos, doon magiging purong banal ang tao. Samakatuwid walang nilalang sa lugar ng Diyos na hindi banal.

Dahil si Cristo ang unang tumanggap nito, nasa kanya ang purong kabanalan at nagbahagi nito sa sangsinukob. Mababasa mo yan na naganap na ang paghahari ng Diyos sa lupa. Ibig sabihin nito lahat ng tao sa panahon ni Cristo ay tumanggap na ng proteksyun ng Diyos kahit di pa sila naniniwala o narinig ang pangangaral sa iisang Diyos.
Alalahin natin na lahat tayo ang layunin ni Jesus na iligtas at walang ibinukod kahit isa. Sa panahon ngayon naganap na ang pagkilala ng lahat kay Jesus at sa iisang Diyos.

Ang iba sa mga turo naman ni Moises ay binigay sa Israelita sa dahilang siyay magpapaiwan at walang propetang gagabay sa kanila.
Sa panahon ni Cristo wala naring lalabas pa na propeta sapagkat sinabi ni Juan sa kasulatan niya.

Pahayag 1,2
"Ako ang alpha at ang omega" wika ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, Diyos sa kasalukuyan, sa nakaraan, at siyang darating.

Ang tinutukoy na panginoon sa talatang yan ay si Cristo, at iba naman ang nagiisang Diyos ito ay ang Spirito Santo. Wala kang mababasa sa aklat kung paanong naging bugtong na anak ng Diyos si Cristo. Ang sinabi ay maniwala ka. Walang makapagpatunay pagkat itoy pangspiritwal.
Kung paanong ang Hari ay hindi niya sasabihin na sambahin mo ang kanyang anak pagkat siya lang ang nagiisa at nakalukluk sa upuan. Iyon ay kanya pang panahon at di ng kanyang anak kaya yuyukod din pati ang anak nito.

Ganito ang mababasa sa kasulatan ni Pablo.

Corinto 2

Ganito ang sinasabi ng Kasulatan,
"Hindi pa nakikita ng mga mata ni naririnig ng tainga,
Hindi parin sumasagi sa isip ng tao,
Ang inihanda ng Diyos sa mga umiibig sa kanya."

Subalit itoy inihayag ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Nasasaliksik ng Espiritu ang lahat ng bagay, maging ang pinakamalalim na panukala ng Diyos. Walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu. Gayon din naman, walang nakakaalam sa mga iniisip ng Diyos maliban sa Espiritu ng Diyos. Hindi ang espiritu ng sanlibutan kundi ang Espiritu ng Diyos ang tinanggap natin upang ating maunawaan ang mga kaloob niya sa atin.
Sa mga nagtataglay ng Espiritu, ang ipinaliliwanag nami'y mga katotohanang espiritwal; mga pananalitang turo ng Espiritu at hindi ayon sa karunungan ng tao ang ginagamit namin. Sapagkat ang taong di nagtataglay ng Espiritu ay ayaw tumanggap ng mga kaloob mula sa Espiritu ng Diyos. Para sa kanila, kahangalan ang mga iyon at di nila nauunawaan, sapagkat ang mga bagay na espirituwal ay mauunawaan lamang sa paraang espirituwal. Nauunawaan ng taong nagtataglay ng Espiritu ang kahalagahan ng bawat bagay, ngunit walang nakauunawa sa kanya.
Ganito ang nasasad sa kasulatan,
" Sino ang nakaaalam ng pag-iisip ng Panginoon?
"Sino ang makapagpapayo sa kanya?"
Ngunit ang pag-iisip ni Cristo'y taglay natin.

Kung dahil lang sa naniniwala ang Katoliko sa mga gawang rebulto ay mga bulaang propeta na ito. Ay nagkakamali kayo nanghusga na kayo niyan. Itoy bahagi ng pagpapapuri at pagpaparangal kay Cristo at sa Diyos.
Ang Diyos ang unang nagbigay ng emahe sa ng espiritu sa katauhan ni Jesus. Kung ang paniniwala sa mga kilalang emahi ay mali, ganyon din po ang paniniwalang may pangalan ang Diyos. Iyan po ay kasuklamsuklam sapagkat hindi tayo maaaring sumamba sa di kilalang diyos. Katumbas po yan ng mga gawa gawang diyos- diyosan.
Sa kasalukuyan ay naipakilala na ng Diyos si Cristo. At pinakilala at pinatotoohan ni Cristo na may nagiisang Diyos. Kaya ang pangalan at mga ginawang emahi ay tinanggap na sa kasalukuyan.
Ang mga huwad o bulaang propeta ito po ay nagdadala ng kapahamakan. Maaari itong manggaling sa myembro ng kapwa natin mananampalataya. Mga nagtuturo ng Bible ngunit hindi nila pinaniniwalaan ito. Ang aral nila ay may makasariling kapakinabangan, ang aral na sila lang ang makakaligtas ay isang pansariling katuruan at hindi naayon sa Diyos. Iyan po ay hindi mabuting gawa. Nagdadala ng takot at kalituhan isang uri ng pagbabanta.

Lahat ng nananampalataya sa pangalan ni Jesus. Lahat sila ay ang iglesia ni Cristo. May iisang kautusan bago pa si Jesus, dahil sa pagkalito ng mga nanampalataya kung sino si Jesus nahati ang Iglesia.
Iyan na po ang madaming version ng Bible, at alalahanin po natin na ang napili ang nagsakdal kay Jesus naniniwala sa iisang Diyos at hindi nakikilala si Jesus.

Sanay gabayan kayo ng Diyos, walang sinuman ang nabubuhay na walang faith.
Sapagkat sa oras na nasa bingit ng kamatayan ang tao nagagawa nitong ipagkatiwala ang buhay sa iba.
 
Sarap magbasa basa dito. Hahaha. Laughtrip nangyare ee. Bes ts wag ka na po magpapaniwala sa mga manalo. Haha. Kaya nagpapatayo sila ng iglesia ni cristo dahil yan ung negosyo nila. Hahaha. Nakita mo naman payaman sila ng payaman. Mag isip ka habang maaga pa bes
 
Kapatid, natawa ako sa title palang ng thread mo.
Hinding-hindi mangyayari na si kristo ang nagtayo mismo sa iglesia ni kristo, dahil sa kasaysayan palang... mga hapon o kastila lang ang napadpad sa pilipinas.
For your information rin kapatid, walang iglesia ni kristo sa bibliya kundi IGLESIA NG DIOS.

Kahit gamitan natin ng makabagong teknolohiya ngayon. Nasa mga higit o kumulang labing dalawang talata na may banggit na Iglesia ng dios.
Ang sa dios ay tinatawag sa kanyang pangalan. Balik ka lang sa orihinal manuskirito na bibliya, makikita mo iglesia ng diyos para hindi tayo maliligaw
Naitayo nayan kapatid bago si kristo naparito sa lupa na nagkatawang tao.

Naparito si hesus sa lupa nun, upang ipakilala niya ang ama. Bagamat may binago siyang mga kautusan gaya ng ikapu pero hindi sya nagtayo ng sariling kanya.
 
walang iglesia ni cristo sa biblia .. iglesia sa diyos meron ..san sa biblia naka propesya na year 1914? iglesia ni cristo pangalan ng simbahan nyo pero di kayo naniniwala na Diyos si Jesus...sabi nyo naging Diyos lang si Jesus sa Council of Nicea.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top