Ung cp mo magdidikta kung gaano kabilis siya mag charge. Pero let us assume na compatible sa phone mo pareho.
May charging schedule ang mga phone kung saan bumabagal ang charge rate pag mas mataas na sa 80% charge.
Sa madaling sabi, ang fast charge ay ramdam mo lamang sa first 80% charging. In practice, mas mabilis lang ng 10-15mins ang 45w charger kumpara sa 25w kung full capacity charge ang usapan, at mas may potensyal mag-init. Worth it lang sya pag emergency na limited time ka lang pwede mag charge gaya ng nasa airport, or sisingit ng charge pag lunch break.
Kung pang araw-araw na charger ang plano mo, doon ka nlng sa 25w.. or much better sa regular charger kung overnight ka nagsasaksak ng cp mo.