21 YRS OLD HIRAP SA BUHAY

TAMA BANG MAGARAL PAKO?

  • Oo

    Votes: 88 83.8%
  • Hindi

    Votes: 4 3.8%
  • Bahala ka

    Votes: 13 12.4%

  • Total voters
    105
Gawin mo Lang Kung anong gusto mung gawin, ang importante Lang Naman maging masaya at may hanap buhay.

Mas ok Kung mag focus ka muna boss mag papera tas tamang invest para sa future di problem ang pera.

Try mo mag no ƒáP kahit isang beses mga 20 days. Kung Hindi mo Alam Ang no ƒáP search mo lang para malaman mo ang mga benefits💪
Salamat boss sge try kopo
 
grade 12 student ict PROGRAMMING ako panganay sa magkakapatid ganyan din nasa utak ko paano gagawin ko kung sakaling wala akong makuhang trabaho pagkatapos ko ng college mahal ko talaga ang IT field medyo advance lang ako mag isip kaya ang ginagawa ko para d ako mapag iwanan nag prapractice na ako mag programming kahit paunti unti kung d man ako maging successful sa field na to after makatapos ng college ang sabi ng nanay ko pwede daw ako mag aral ng teacher if d talaga natanggap 1 sem lang daw kukuhain ko kaya nabuhayan ako ng loob na bakit hindi ko muna i try yung IT as a programmer dba try try na lang muna hanggat makuha yung tama para sayo hahaha advance lang ako mag isip pero yan na plano ko sa buhay
Salamat sa pagbahagi tol
 
ang babata nyo pa pra matakot magka mali ah, ako kung pwede lng e balik ang panahon, mas gusto ko e try kahit ano, sana hindi ako natakot na magka mali, sana sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin, sana mas nag explore pa ako. dahil sa takot magkamali nung bata pa, hanggang sa pag tanda na wala ang pagka risk taker kaya naduduwag na tuloy.
 
Nag babasa ako ng comments habang tumutulo luha ko tapos nakita ko comment niyo biglang bumalik sa loob ng mata ko yung luha ko 😂
 
Sa tingin ko po ipagpatuloy niyo lang po yong pag aaral mo kasi kapag hindi mo itutuloy baka magsisi ka lang po sa huli at tatanungin mo lang sarili mo kung bat huminto ka. Wag niyo din pong isipin na walang magandang mangyayari sa buhay niyo, kasi kung yan talaga iisipin mo ay wala talagang mangyayari. Wag niyo po mamasamain pero siguro kaya ka din po siguro may doubt sa future mo kasi nga ngayon hindi ka masaya, kasi nakatuon ka lang sa same phase tulad ng pag ML. Siguro try to explore po outside the technology. Wag po natin ituon ang sarili natin sa isang bagay na hindi naman talaga nagpapasaya sa atin. Mahirap po talaga ang college (kasi 2nd year college na rin po ako) mawawalan ka ng gana, mawawalan ka ng mga kaibigan, pero hindi yan rason para huminto ka. God bless po
 
20yrs old narin ako 2nd year college. Sa lahat ng mga sinabi mo parang ako na rin ang nag post niyan lods haha puro ML at laro na lang ako.
 
Di ka nag iisa men ako din ganyan wala ako bisyo wala kaibigan may gf pero sa fb lang ayaw ko makipag meet dahil mahiyain ako saka ba mag expect sya masyado sakin hirap din aki sa trabaho ko mag 2years na ako helper ng electrician hangang ngayon dipa ako sanay na pepressure na ako nasa isip ko ilang taon kana namin kasama dikapadin sanay sa trabaho lagi ako napapagalitan men nakakastress alam mo yung tinatamad ka bumangon para pumasok pero ani magagawa ko di naman ako nakapagtapos grade7lang inabot ko btw 20yo na ako itong ML ant COD lang nagpapawala stress ko ket papano napapasaya ako
 
21? bata ka pa, tapusin mo yang pag-aaral mo. maipagmamalaki mo yan pg dating ng panahon, go with the flow lng
wag ka ma-pressure hindi mo pa masasabi kung ano pwede mangyari in the next 5 years
 
parehas tayo ng kalagayan kapatid 3rd year na din ako at 'di ko makita patutunguhan ng buhay ko I'm taking BS Psych at natatakot ako in the near future pero sumasabay na lang ako sa agos ng buhay mararating din natin ang mga ninanais natin wag na lang natin ikumpara kung anong meron o wala sa atin sa ibang tao may sarili tayong 'pace' kahit mabagal basta tuloy lang
 
22 ako boss, 4th year BSEE
Maging positive ka lang paps
Walang kinalaman ang age sa narating at mararating mo, may time talagang ganyan tayo pero always positive lang :)
 
Ganda ng mga story ng iba, same situations din ako dito, nadepressed minsan sa life, sa school ( kung tama ba kinuha ko course), and expectation ng tao pero para saakin gagawin ko makakaya ko and basta wala ako natatapakan na tao and may nagmamahal saakin kahit wala man patuloy pa rin, waiting kasi ako sa anime na bago ay haha , enjoy life lang natin kahit maliit na sandali sa buhay, Good luck saatin lahat dito and God bless us all.
 

Similar threads

Back
Top