What's new

20 pesos per kilo ng bigas

Joined
Jun 27, 2018
Posts
810
Reaction
2,629
Age
25
Ipapatupad na ba, marami na naman tataba ngayon😅

FB_IMG_1652354402530.jpg
 
Attachments

K e i d

Elite
Pwede po paki enlighten me. Pano po yung mga magsasaka kung ganyan po ang presyo na ng bigas?, May benefits po ba silang makukuha if ipinatupad ang ganyang presyo?
 
Pwede po paki enlighten me. Pano po yung mga magsasaka kung ganyan po ang presyo na ng bigas?, May benefits po ba silang makukuha if ipinatupad ang ganyang presyo?
Meron, farmer tatay ko kaya alam ko talaga. Ganito kasi yan, ang kilo ng palay dito sa amin every harvest ay 13 to 16 pesos. Pinakamataas na ang 16 pesos pero halos 13 or 14 pesos talaga average. Kapag binenta ang palay masyadong mura pero pagbumili ka ng bigas sobrang mahal 45 to almost 50 per kilo na ang bigas dito samin. Hindi na man pwede na lahat ng palay ay gagawing konsumo ng farmer kasi kailangan din naman namin cash pra sa ibang bilihan kaya magbebenta talaga dapat ng palay. Mas maraming supply mas mura ang bigas. Kung mura ang bigas, ibig sabihin maraming maibebentang palay ang farmer then kahit na bibili ulit sila ng bigas, affordable na kasi 20 per kilo na lang.

Hindi naman sinabi na mura na din ang bili sa palay, yung bigas lang naman ang magiging cheap.
 
Maraming salamat po, malinaw na💖
 
Pwede po paki enlighten me. Pano po yung mga magsasaka kung ganyan po ang presyo na ng bigas?, May benefits po ba silang makukuha if ipinatupad ang ganyang presyo?
Kung mapapatupad din ang libreng abono at patubig.. hindi malabong mangyare yan.. dhil mas mapparami tlga ang bigas sa ating bansa at isa pa kung maayos din ang kinikita ng mga magsasaka. Bakit hindi..
 
sonje17

Leecher
Pwede po paki enlighten me. Pano po yung mga magsasaka kung ganyan po ang presyo na ng bigas?, May benefits po ba silang makukuha if ipinatupad ang ganyang presyo?
Usually po kapag ganito, sa pagkaka alam ko, paga maging mura ang bigas, ang halos lahat ng binhi, patubig at kagamitan manggagaling sa gobyerno. At isa din ang gobyerno sa bibili din ng mga produkto.
 
Kung mapapatupad din ang libreng abono at patubig.. hindi malabong mangyare yan.. dhil mas mapparami tlga ang bigas sa ating bansa at isa pa kung maayos din ang kinikita ng mga magsasaka. Bakit hindi..
Okay din po kung may libreng abono at patubig talaga kasi bawas pa yan sa gastos
 
Yimpskie

Contributor
Si Bongbong nababagay sa proyektong ito, naniniwala akong iaangat nya ang kailangan sa Pilipinas ang AGRICROP. Halos sa ibang bansa kumukuha ng mga Produkto na kailangan sa pang araw-araw, kulang na kulang ang AgriCrop sa Pilipinas. Karamihan kumukuha ng mga Imported pa sa ibang bansa. So sino ang uunlad at yayaman? Sila diba. Bagsak ang Pilipinas natin pagdating sa Agriculture. Dahil sa ngayon ay dumarami na ang mga industralisadong lungsod at nawawala na nang paunti-unti ang mga lupaing pwedeng sakahin. Hindi na gaya noon. Kilala ang ating Pilipinas pagdating sa yaman ng Agrikultura.
 
Last edited:

Robert Akizuki

Enthusiast
Bakit may picture ng BBM-Sara eh sa June 30th pa sila uupo sa pwesto tapos sa Lunes agad? Tsaka kung magpapatupad ng price control, walang magbebenta ng ganyang presyo kasi mas mahal ang input para magtanim ng palay o mag-import ng bigas. Malabo rin na mag-subsidize ang gobyerno diyan. Amoy wattpad story na naman.
 
chris99val

Established
Khit hndi umabot ng bente.. At least may pinanghawakan ciang pangako Khit kalahati ng presyo ngayon ng bigas ang maibawas mlaki ng tulong un sa mga mhihirap nting kababayan.. Lalo na ung mga mbaba pa sa provincial rate ang sahod.. Ung iba kacng tao walng sakit ng ulo sa pambili ng bigas dhil umaasa pa sa magulang khit damulag na.. Cla pa tong ayw sa pagbabgo..
 
bakit hindi napababa during Duterte's Administration?
Kasi ang daming sablay na provisions sa Rice Tariffication Law na si Cynthia Villar ang pasimuno para mamayagpag ang rice cartels. Kasama dun yung pagpapahina sa NFA. Tapos in-appoint din ni Duterte si Dar sa DA kaya nakabalik mga sindikato dun.
 
Pwede po paki enlighten me. Pano po yung mga magsasaka kung ganyan po ang presyo na ng bigas?, May benefits po ba silang makukuha if ipinatupad ang ganyang presyo?
Based on my economics Teacher on my 9th grade, MiddleMen was the Main Reason kung bakit mahal ang presyo ng Bigas. Yung Mga middleMan ay nagpapatong ng presyo sa mga Ricegoods na nabili nila mula sa outsourcing para ma Cover up yung Expenses nila para Warehouses, Employees, Vehicles For Transportation and including his profits. If ever na government ang hahawak nang agricultural industries possible na mangyari ang 20 pesos rice per kilo Dahil sila na mismo ang magiging MiddleMan sa Rice Industries or Agricultural Industry itself
 
Top