D
Deleted member 1523148
Guest
Para sa inyo na patuloy na naniniwala sa sabbath ng mga hudyo o sa israelita
Ganito yan, Ang Bibliya ay nagsasalita ng dalawang sabbath, isang sabbath for the flesh at isang sabbath for the soul. Yong sabbath day sa mga israelita yong ikapitong araw yon yong sabado sa ating panahon, nagpapahinga sila sa kanilang laman. Bawal magtrabaho, bawal magsalita ng ibang wika, bawal magpaningas ng apoy. Kahit magluto bawal pagka sabado.
Exodus 35:3 Huwag kayong magpapaningas ng apoy sa inyong buong tahanan sa araw ng sabbath.
kahit magpaningas lang ng apoy para magmagluto bawal, alam nyo kasi noong araw pagka magpapaningas ka ng apoy matrabaho yon eh,mahirap magpaningas ng apoy noong araw eh kakaskas ka ng matagal, matrabaho yon, eh ang utos ng sabbath magpapahinga yong katawan mo, at ang utos na sabbath pati sa hayop may utos na sabbath, pati mga kalabaw, kabayo , kambing.
Deuteronomio 5:14 Nguni't ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios: sa araw na iyan ay huwag kang gagawa ng anomang gawa, ikaw, ni ang iyong anak na lalake ni babae, ni ang iyong aliping lalake ni babae, ni ang iyong baka, ni ang iyong asno, ni anoman sa iyong hayop, ni ang iyong taga ibang lupa na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan; upang ang iyong aliping lalake at babae ay makapagpahingang gaya mo.
Sa Israel noong araw, pati baka nagpapahinga sa sabado. Pero pagdating ng Panginoong HesuKristo ibang sabbath ang itinuro niya, ang turo niya ganito.
Mateo 11:28 Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin.
29 Pasanin ninyo ang aking pamatok, at magaral kayo sa akin; sapagka't ako'y maamo at mapagpakumbabang puso: at masusumpungan ninyo ang kapahingahan ng inyong mga kaluluwa.
Ang panahong Kristiano kapahingahan naman ng kaluluwa, rest for the soul. Ibang klaseng sabbath yan Spiritual sabbath.
Kaya si Kristo at tsaka kanyang mga alagad hindi nagpapahinga ng katawan sa sabbath, naglalakad sila sa sabbath, nagtatrabaho sila, nagagalit nga sa kanila yong mga fariseo eh bakit sila nagtatrabaho sa sabbath
Mateo 12:1 Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.
2 Datapuwa't pagkakita nito ng mga Fariseo, ay sinabi nila sa kaniya, Tingnan mo, ginagawa ng mga alagad mo ang hindi matuwid na gawin sa sabbath.
Pinipintasan sila nung mga eskriba at fariseo , kasi tingnan mo ang mga alagad mo ginagawa ang hindi dapat gawin sa sabbath, kasi bawala ngang maglakad sa sabbath eh pagtatrabaho. Si Kristo kahit sabbath nagpupunta kung saan saan, kaya siya pinatay ng mga hudyo eh, dahil siyay nagtatrabaho ng sabbath.
Juan 5:18 Dahil dito nga'y lalo nang pinagsikapan ng mga Judio na siya'y patayin, sapagka't hindi lamang sinira ang araw ng sabbath, kundi tinatawag din naman na kaniyang sariling Ama ang Dios, na siya'y nakikipantay sa Dios.
Kaya Siya pinatay ng mga hudyo, kasi hindi siya nangingilin ng sabbath, kasi ang sabbath ni Kristo, sabbath for the soul, you shall find rest for your soul. Hindi sabbath ng katawan, ang batas ni Kristo batas Espiritual hindi Carnal.
![Face with tears of joy :joy: 😂](/styles/jp_70/1f602.png)
1. Natawa ako sa idea na "may Sabbath ng laman at Sabbath ng kaluluwa." PERO WALA KANG MAPAKITANG VERSE THAT DIRECTLY STATES IT.
2. Kaya pinagbawal ni Moses na pati pagpapaningas ng apoy ay bawal kasi MATIGAS ULO NG MGA ISRAELITA. MAHIRAP SILA TURUAN. Kung papayagan silang gumawa kahit simpleng "work" eh gagawa sila ng "mas malaking work" tapos dedepensahan nilang " simple lang nmn". Gets?
3. Sa Mat12:1. Hindi ung "Sabbath" ung isyu Doon kundi ung "pagkain" ng mga apostol Mula sa isang bukirin. Sa #2 sinabi ko na mahirap turuan mga ISRAELITA kaya Nagdagdag sila ng LAW para maging specific. Kagaya ng wag "magpitas" ng food. Which is WALA SA COMMANDMENTS. Sabi sa Deuteronomy 23:25 pwede. Pero dahil MAKULIT UNG JEWISH LEADERS ay pinaghalo nila ung 2. Mas nakita nilang "masama" ang pagkain kahit gutom ang apostol kasi sabbath. WHICH IS WALA SA LAW.
4. Atsaka pwede ba, Hindi pinako si Christ Kasi "hindi nya sinunod ung Sabbath" bagay na sinabi mo. MALI UN. PINAKO NGA SYA KAHIT WALA SYANG SALA EH. GALIT LANG SILA KAYA PINAKO SYA.UN UNG RASON. GALIT. HINDI DAHIL DI SYA SUMUNOD.
Sobrang halatang di ka nagbabasa ng bible.
![Smirking face :smirk: 😏](/styles/jp_70/1f60f.png)