What's new

Why is it so difficult finding a job?

Relate ako dyan lods. Huhu. Ilang interview na naranasahan ko pero ghosted din ang ending. Ang hirap maghanap gusto ko sanang bumalik sa dating work ko kaso mahirap din dahil walang benefits
Same tayo TS though oks naman past work ko kaso wala at hindi talaga nababayaran benefits
 
Sobrang hirap maghanap lalo dito sa probinsya. Mababa ang sahod tapos mahal pa pamasahe tapos ang mamahal pa ng mga bilihin 🤦 parang mas okay pang magbusiness ka nalang mas kikita kapa kahit papano. Ikaw pa ang boss
 
Dito lang sa pinas yan lods, kasi ang thinking dito need na may exp ka or may qualifications ka. Pautanglima (ayoko na mag mura limited access na ako) Mas nag karoon pa ako ng future sa freelancing jobs na mga foreigner ang boss. As long na nagagawa mo yung gusto ng client, wala silang pake sa background mo.
 
ako dati kahit wala akong balak mag call center, dahil mahina ako sa interview, nagpapa interview ako sa mga nag hire ng call center, 3 company din yun magka tabi lng na building, habang wala pang tumatawag sa mga inaplayan. yung una medyo kabado talaga, iniisip ko nlng na wala naman akong paki dahil di ko rin talaga gusto mag call center at wala rin nakakilala sa akin, ginawa ko lang training ground, dahil makikita mo rin sa result kung saan ka nagkamali, hanggang sa may tumawag na sa inaplayan ko na work, yun may idea na ako about sa mga interview2x medyo pa ngiti ngiti nlang. na hired ako kaagad. mensan kailangan lang din ng confidence sa interview dahil mostly yan ang hinahanap ng employers.
 
Same tayo TS though oks naman past work ko kaso wala at hindi talaga nababayaran benefits
Oo nga yan mahirap lalo na ngayon nag increase na naman ang sa phil healt. Sa dati kong work para kaming îllégâl na workers dahil hindi kami declared workers nung mismong company. Nung last interview ko nagtaka nga yung kumausap sa akin bakit ganun daw, wala eh fresh graduate ako nun kaya grab the opportunity that time.
 
Late na ata ako hahaha di ko binasa yung ibang comments this might be repetitive, if saan ka medyo dehado lets say communications skills try to improve it by practicing, punta ka sa salamin tas try mo e practice yun, it might sound crazy haha pero effective, check YøùTùbé videos on how to improve your communication skills, trust me you will land a decent job, kaya mo yan TS WE BELIEVE IN YOU MWA.
 
Try creating LinkedIn account, and indeed account. Tapos ilagay mo ung lahat na experience, certificates and awards mo. Also try adding all skills na alam mo. Madami ka makikita na opportunities inline sa field mo. Try lang nang try makaka land ka rin nang job mo. Marami online jobs ngayon na hindi required na ma experience ka. And if ever hindi ka matanggap take it as a learning experience and do your best nalang sa future applications mo. God bless
 
Be more confident sa pag hanap plng ng Job wag mo isipin na d ako qualified dito d ako pwede dito. Things wont come out if you dont give chance to try it.
 
wag mawawalan ng pag-asa paps ako din naman naiharapan pero go lang ng go, katulad ng kuya nag apply sya at nasabihan ng masakit na salita pero hindi sya tumigil ngayon paps supervisor na sya sa isang trabaho tiwala lang.
 
Ako paps. 4 yrs na ako sa Bpo industry pag nagresign ako sa company hirap pa din ako makahanap ng ibang company. May exp ka man o wala pag di ka nila trip ibabagsak. Okay din nman ang comm skills ko. Sadyang pag di lang para satin. Hindi talaga.

Good thing may mga businesses na ako kaya kahit papano may pantawid sa araw araw. ❤️

Apply lang ng apply paps. Magiging okay din ang Lahat.
 

Similar threads

Back
Top