What's new

Closed WARNING!

Status
Not open for further replies.

PHC-13thHina

Eternal Poster
Joined
Jun 30, 2017
Posts
653
Reaction
209
Points
288
Age
30
Para sa mga Mahal naming Manlalaro,

Lubos naming tinutukan ang isyu at inyong mga tugon tungkol sa "MAP häçk", na kung saan nagdulot nang malaking pinsala sa inyong paglalaro. Ang Security Team ng Mobile Legends: Bang Bang ay patuloy ang pagsubaybay; ginagawa nila lahat para matanggal ang 'häçk' na ito. Bibigyan namin ng matinding parusa ang mga Manlalaro at Account na gumamit o gumagamit nito ayon sa makukuhang records sa game system. At para sa mga naggawa o nagpakalat ng 'häçk' sa iba't-ibang social-platforms, ang Mobile Legends: Bang Bang ay handang magbigay ng legal na aksyon!

Ang ML:BB Security Team ay patuloy ang pagpapabuti ng ating System. Kamakailan lamang ay nag-"ban" kami ng 500, 000 at higit pa na mga Manlalaro, kasama dito ang maraming Mythic players.

Ang isang maayos na gaming environment ay mabubuo sa pinagsamang pagtutulungan ng mga Manlalaro at mga Developers. Maari lamang na seryosohin inyong bawat laro! Regular naming iaanunsyo in-game, sa official website at social-media platforms ang tungkol sa progreso ng 'map häçk' plug-in at parusa sa paggamit nito. Hinihikayat din namin ang mga Manlalaro na magbigay ng kani-kanilang mungkahi sa pamamagitan ng ating mga official channels para sama-sama nating mapanitili ang isang healthy gaming environment.

-MLBB
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top