What's new

Totoong Kaibigan

Status
Not open for further replies.

L0oph0le0001

Forum Veteran
Joined
Nov 10, 2018
Posts
1,551
Solutions
38
Reaction
433
Points
540
Hi guys! Alam ko marami dito sa PHC ang may nakasalamuha/nakaencounter ng iba't-ibang uri ng kaibigan, mapa ugali man o ano, bago niyo nakita yung mga 'totoong Kaibigan' na itinuturing niyo ngayon. Gusto ko lang sana humingi ng advice.

What if yung mga tinuturing mong kaibigan ngayon, nalaman mo (o sabihin natin 'feeling mo') may iba silang GC (GroupChat) na hindi ka kasama, I mean may GC nga kayong magkakaibigan (na kasama ka), pero dun sa isa nilang GC (kung meron man) ay hindi ka kasama, ano mararamdaman mo? Though wala ka naman ginawang masama na ikinagalit nila o ng isa sakanila (o kung meron man sana sinabi nila sayo diba?)

So ayun, gusto ko lang marinig opinyon niyo about dito. 😁
 
Bka andun lahat kamag anak nya ts kya di ka sinale hahahah, ako nga lahat ng gc ko nilagay ko sa archive lahat sari2 kalokohan lng kasi napag kikita ko 😅🤣
 
Hahaha. Though yung GC namin maingay naman kapag may klase kami, unlike dati na maingay kahit walang klase, nanjan yung chismisan o usapan ng kung ano ano, ngayon tahimik na eh hahaha
 
On my opinon may mga tao talaga na unexepected na kahit gaano ka comfortable they always turn back on you. Ano sya siguro nature nalang talaga ng tao hindi pinapakita sa iba pero palihim na ginagawa. Always thought nalang talaga na outside is a cruel world
 
Kaya din nauso yung salitang 'trust issue', na kahit anong pagtitiwala mo sa mga taong nakakasama mo, o ano pa man pinagsamahan niyo, pag dumating talaga yung time na pwede ka nila talikuran at saksakin patalikod (backstabbing).
 
There is no such thing as best or real friend other than your family. Trust no one outside the circle of your family root. Who knows that potential encounter outside of the safe zone might be a poisonous soil, or a thorny plant instead of the same kind.
 
Okay lang yan ts ganyan din mga tropa ko hahaha pero respect ko nalang sila baka may private topic sila na gusto sila sila lang. tsaka nalalaman ko din naman agad hahaha sample sa nabuntis ng tropa, away ng magjowa, tas sa sideline haha syempre kahit na kaibgan natin sila nagiging selfish din tayo/sila hahaha. kaya wag na selos ts malalaman mo din yan.
 
Each of us has our own little secrets though. Madalas nagjajump tayo sa conclusion without even confirming whats its all about. For example, lets say,your friend planned something to surprise you and they created this chat para makapag plan sila ng maayos. And nafeel mo na out of place ka bigla and nagtampo and lumayo ka na without even asking.
In order for you to have that peace of mind, kahit mahirap,you need to face them head on and ask kung tama ba ang hinala mo na may GC sila at inexclude ka pero wala ka naman maisip na dahilan bakit nila gagawin yun sayo. I mean its better to ask first rather than relying in our suspicions.
 
awit ganito den naiisip ko , pero dko lang sila pinapansin d naman sila kawalan eh , pero ts try mo ask mo sila kung ano sasabihin
 
Hulaan ko edad mo, teenager or nasa early 20's ka palang no?
Simple lang sagot jan brad. Hindi ka nila trip kausap at you shouldn't care about it. Wag mo ipilit yung sarili mo sa mga tao matuto ka maging independent at mag grow sa sarili mo lang. ako madami din akong kaibigan pero habang tumatanda kami na narerealize ko parang wala nalang kahit di ako nasasama sa mga GC or gala minsan at wala narin ako pakeelam sa sasabihin nila saken sa totoo lang wala naman tutulong sayo jan sa mga deepest struggles mo totoo yung sinasabi ng matatanda na ang tropa sa sarap lang yan nanjan. Marerealize mo din yan pag tumanda kana minsan mas másáráp pa relax sa bahay kesa gumimik kasama tropa..
 
In reality, wala talagang "totong kaibigan" kahit naramdaman ko naman ang spirit ng having a real friend, hindi naman ito tumagal. I was expecting na mas tatagal pa ito hanggang tumanda na siya. Based on my experience. Dati kasali din ako sa GC. GC ng kaming mga magkakaibigan at magkakabike. Dati sobrang close kami noon halos chat doon send ng kahit anong makitang patawa, pajoke etc. Hanggang sa biglang nag iba ang ikot ng mundo (pandemic). Nag iba na ang topic sa GC na iyun. more on nag yayayang mag laro na ng CODM or PUBG. Eh ako naman di ako nag lalaro nun (di ko trip eh, di ko gusto) wala akong magagwa kasi lockdown. And sometimes na oOT ako sa mga pinag uusapan nila (ako mga 20's na ko sila mga 16-18 years old.) Kaya napilitan kong umalis na lang sa GC na iyun. May GC din akong sinalihan pero di muna ako nag leave. Ignored lang muna sa pansamantala.
 
Lielow kna sakanila. Kausapin mo lang pag inapproach ka.
Sa mga tulad kong hindi social butterfly madali lang yata talaga ako mag-let go.

Naranasan ko na yan saal mga pinsan ko. Ang layo kasi ng difference ng mga ugali namin. Pag magkakasama kami - sila mga boys lagi topic, tas mga chismisan kung sinong kapitbahay ang nabuntis. Tas ako OP lagi kasi di naman ako interesado. I found out rin na may iba silang gc tutal di rin ako makarelate sa usapan nila nilagay ko sa 'ignore' yung gc. Pero sa mga kaibigan ko naman ngayon dahil parehas kami ng sense of humor nagkakasundo kami. Iba talaga pag may kaibigan kka na kahit dadalawa lang atleast totoo sayo at tunay na may care.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top