What's new

TOTgA

smokre

Honorary Poster
Joined
Nov 30, 2021
Posts
463
Reaction
472
Points
185
Age
27
marami sating may "the one that got away " in short totga. in my case halos lahat ata ng babae na dumaan sa buhay ko puro totga.

naalala ko yung 1st totga ko nakilala ko sya nung HS, classmate ko sya nung 1st year. pero naging magkaibigan kami ng 3rd year. sikat sya sa school namin, nasa section 1 sya, "star section" kung tawagin ng iba.

naging magkaibigan kami. halos lagi kami magksama sa school. pag lunch break pumupunta sya sa room ko para ayain ako kumain sa canteen, okaya aayain nya ako tumambay saroom nila, halos araw araw kami nag kekwentuhan pero hindi kami nauubusan ng pag kekwentuhan. kinukweto nya sakin mga nanliligaw saknya, well nung panahon nayun hindi pa ako na aattract sakanya talagang tropa lang. tsaka tinataguan ko sya dati kasi nakakpagod umakyat sa section nila nasa 4th floor kasi sila eh. lagi kami magka chat sa facebook, nagagalit sya pag hindi ako kumakain kasi buong araw ako sa comshop eh,tinuring ko talga syang best friend, madalas ako sa bahay nila tumatambay pag sabado linggo, nagluluto pa nga ako sakanila eh, pag may handaan lagi din ako invited, close ko buong family nya, akala nga nila kami eh, pero nagbabakla baklaan ako para lang hindi na nila kami asarin.

isang araw sinabi nya sakin may jowa na sya, and lagi na sila magkasam ng jowa nya sa school, syempre magjowa eh, masyaa ko nung una kasi hindi na nya ako hinahatak sa room nila,at hindi na sya nag papalibre sakin, pero invited parin ako lagi sa bahay nila 🤣. bago matapos ang 4th yr namin. bigla ko lang narealize na bihira kona pala sya nakakausap kahit sa chat, and everytime na makikita ko sya parang ang lalo syang gumaganda sa paningin ko, hindi ko nalang namalayan na gusto ko na sya. pero may jowa na sya eh kaya bawal syempre.

before graduation nag break sila ng jowa nya, so nag natuwa ako pero syempre malungkot ako kunwari. and on graduation namin ininvite nya ako kumain sa bahay nila for celebration. nung gabi na yon umamin ako sakanya, pero sabi nya, ayaw nya masyang yung friendship namin, kasi ako lang daw yung best friend nya, ehdi syempre hindi kona pinilit,

dumaa ang isang taon sya parin yung pinaka magandang babae sa mata ko. lagi kami kumakain sa labas at nanunuod pa kami ng sine. one day nasa coffee shop kami bigla syang umamin sakin na sayang daw sana daw binigyan nya ako ng chance, pero yung time nayun bago lang kami ng gf ko. kaya nag decide kami na hanggang friends nalang talga kami.

never kami angkatagpo na walang jowa eh nung nawalan ako ng jowa sya naman yung may jowa kaya hindi na ako umasa.
 
sayang TS.... kung hinintay mo siguro siya, kayo na sana kase binigyan ka nya ng chance.... 🙂
 

Similar threads

Back
Top