What's new

TALO NG DISKARTE ANG MAY DIPLOMA

Totoo naman para sa akin na mas lamang talaga ang diskarte, ako kahit may diploma pero sa diskarte parin ako umaasa, ayaw ko kasi mag trabaho sa iba, gusto ko yung sarili ko lang diskarte pero hindi naman sa di nalang mag aral, syempre mag aral parin kung meron namang budget, last option nlng talaga ang pure diskarte nlng. Kaya sa mga nakapag aral maswerte kayo dahil mas fortunate kayo kaysa hindi nakapag aral, dapat nga hindi nyo nalang pinapatulan mga ganyang salita eh, ano naman ngayon kung sasabihin nilang mas lamang ang diskarte eh opinyon nila yan, at kung totoo naman eh di goods at kung hindi wala namang mawawala sayo, pero pag empleyado ka at malaki sahod mo kaysa dumidiskarte para sa mga dumidiskarte wala rin yan silang paki, dapat lng talaga respeto nlng sa isat isa at pag uunawa, lalo na sa mga nakapag tapos at may diploma, dapat kayo una umunawa kahit ano pa sabihin nila na diskarte e diskarte nila yan respect nalang, wala namang mawawala kung dumiskarte din kahit may diploma.
 
Walang diploma pero may diskarte, diploma does not make sense.
Merong diploma pero walang diskarte... naghihintay ng hulog ng langit. "Who knows the Luck of everyone?"
Merong diploma at may diskarte, Win Win ang tawang jn.
Ang mahirap e walang kang diploma at wala kapang diskarte.

Anong bang point ng sinasabi dito?
 
yung mga tunay na diskarte at sipag na mga tao, napag aaral yung sarili nila para mas umangat sa buhay. yung mga walang diskarte, hindi makatapos ng pag aaral.
 
Nagsasabi nyan yung mga taong tamad at ayaw mag-aral, naghahanap ng rason para mai angat ang sarili nila. Hindi kasi nila alam na kung wala kang diskarte eh hindi ka makakakuha ng diploma. Hindi man diskarte para kumita ng pera eh napakaraming diskarte ang nagawa ng mga taong nagtapos, pag gawa ng project na kinabukasan na ang due date. pagkasyahin yung 500 pesos na allowance sa isang linggo tapos yung 250 pang dota pa. Pero pwera biro maraming estuyante na nagtatrabaho habang nag aaral, marami sa kanila nakapagtapos na hindi ba diskarte yun? Kahit yung mga hindi nakapagtapos na mayayaman eh nagaaral pa rin, (Boxing Champ)
Nagsimula lang naman ang trend na to dahil aalukin ka sa networking ng coach mo kuno. At target market nila yung mga hindi nakapag aral kasi nga kulang ang alam nila at pupunuin nila yan ng kaya di ka nagaral kasi madiskarte ka, tapos sabay sabi ng "OPEN MINDED KA BA?"
 
walang diploma, pero saan nag aaral?

Hindi nila naiintindihan point ko na nag drop si Mark sa pinakamataas na paaralan na isa sa pinakamahal na tuition fee whahaha kahit di magdiskarte yan mabubuhay yan e mayaman na yan e hahaha
tama sir si mark zukerberg boy genius yan,11 years old plang kumikita na yan dhil 11 years old plang sya nakagawa na sya ng mga computer software,buti kung lahat ng tao kagaya ng talino at estado ng buhay ni mark zukerberg,pag kagaya ng bansa natin lalo pag utak talangka mahihirapan ka pag puro diskarte ka lang ubra yan kung didiskarte ka pero mat resources ka or puhunan,pero kung laki ka sa hirap hanggat maari mag arall mabuti para makatapos para makapag trabaho at makaipon tsaka natin gamitin sa diskarte yung naipon natin at yung napag aralan natin ,,, mas mainam parin ang makatapos ng pag aaral para mas madali maka diskarte in the future sabi nga ni bos toyo kung naniniwala ka na walang halaga ang diploma art diskarte lang ang kailangan mo eh wag mo pag aralin anak mo,wag natin sasabhin na diskarte lang kelangan kung pinag aaral natin anak natin hehehe,diploma+diskarte ang pinaka maganda
 

Similar threads

Back
Top