Frozen Adobo
Forum Veteran
Gusto kong pasukin to kaso wala akong kaalam alam, masyado akong naive pag dating dito, any tips ts kung ano gagawin ko para pumasok sa mundo ng trading
Thanks ts balikan ko to if maging successful man ako hahahaha salamat sa time and efforttrading di naman kumplikado all about "buy and sell", need lang magkaroon ng disiplina kung paano ihandle ang greed plus mahabang pasensya para kung against na yung position ay huwag matakot magbenta ng palugi pero gagamitin mo yun as part ng strategy para makasalo sa ilalim.
ang kalaban mo lang pag papasok kana sa trading ay ang sarili mo kung kaya mo ba iexecute yung sell kapag kumikita na (greed) or kapag binabalikan na yung entry mo (fear na matatalo yung pera mo)
yung binigay ko na sampol kung paano mo paikutin yung pera mo ang need mo hasain para tumagal ka sa trading, bonus nalang yung basic knowledge sa support and resistance sa pagbasa sa chart dahil dika nyan isasalba yung pagmanage sa pera mo ang mahalaga
huwag mag alala nag umpisa din ako sa wala, kaya shinare ko lang yung kailangan malaman na mahahalaga regardless kung magiging trader ka or investor