What's new

Trivia SKIN CARE (MOISTURIZER)

NINJA64

Addict
Joined
Sep 2, 2020
Posts
114
Reaction
60
Points
95
Pasensya na dahil natagalan ako sa pag post nito dahil sobrang busy sa modules

Dito ay pag-uusapan natin ang moisturizer para mapili nyo kung ano ang produkto na para sa iyo

Ano nga ba ang moisturizer?
Base sa word na "moisturize" ito ay nakakatulong upang hindi maging dry ang ating mukha/balat at nakaka minimize din ito sa pagiging oily.

Tungo nito, parang na prevent niya ang pagkakawalan ng tubig sa ating balat. Kailangan natin ito ma maiwasan ang pagkakawalan ng tubig sa balat upang maiwasan natin ang pagka "dry" at pagakaka irita sa balat na nakakasanhi sa breakout.

Paano pumili ng moisturizer?
May dalawang uri ng moisturizer: GEL TYPE at CREAM TYPE
Kailangan natin malaman kung saan na type sa moisturizer ang ating pipiliin upang makuha natin ang benepisyo sa mismong produkto.
Gel type: oily, combination skin
Cream: dry, combination skin

Yan lang muna po dahil medyo nakakalilito na pag detalye na tungkol sa moisturizer gaya ng humectants, emollients at occlusives.

Malaman natin kung gel type pag hindi ito nakalagay sa tub o may nakalagay sa produkto na "water based o lightweight". Halimbawa nito ay sa CETAPHIL MOISTURIZING LOTION at CELETEQUE HYDRATION MOISTURIZER.
Samantala ang cream ay nasa tub at parang thick ang consistency niya gaya ng CETAPHIL RICH NIGHT CREAM at FRESHLAB TOMATO GLASS SKIN.

Ingredients to look out for?
Glycerin, Propylene Glycol, Shea Butter, Panthenol, Dimethicone, water.
Pag nandoon kayo sa grocery o drug stores, pwede kayo mag basa² ng mga ingredients para mahanap nyo ang ninanasan na produkto. Hindi kailangan na itong mga ingredients ay sa iisang produkto lang, kahit ni isa o dalawa lang, okay na😁
Mas maganda kung may niacinamide na sa moisturizer o aloe vera dahil nakakatulong ito lalo na sa may tigyawat.

Ginagamit ko ngayon ay ang celeteque hydration moisturizer dahil nakukuha ko na ang kailangan na benepisyo nito at nakakatipid ako sapagkat ako ay estudyante pa lamang. Oily skin ako at ito talaga ay nakakatutulong sa aking pagiging mukha.

Sana ito ay nakakatutulong sa inyo at nakakapagbibigay ng impormasyon para makuha niyo na ang ninanasan na produkto.
Salamat at Godbless po♥️
 
Back
Top