Matanong ko lang mga ka PHC lalo na sa mga kapwa malalabo mata. Siguro sa dami ng members dito baka meron nang pamilyar about sa LASIK Eye Surgery? Siguro yung iba napanood sa Horror or talagang narinig lang sa usapan o napanood kung saan man.
Matanong ko lang po sino na nakasubok? Pwede po bang mag share ng experience? Kung effective po ba or hindi. Side effects, etc.
Kung may kakilala ka, nabasa or narinig na usapan pwede rin po kayo mag share. Minsan nakakaumay na rin kasi mag salamin. xD Salamat sa mga magbabahagi
Sa dati kong ka work mate nag pa lasik sya, sinabi nya lang nung natapos parang mata daw ng baby yung linaw ng mata nya after nya mag pa lasik pero may pinapatak sya sa mata nya after nun hindi ko lang natanong kung ano yun at para saan and mejo pricey din sya
yung kapatid ko pumunta cebu para lang sa lasik surgery cguro 5 years ago. meron drops after surgery, naka googles cya after surgery delikdado sa alikabok. sensitive sa light mata nya after surgery pero temporary lang. ngayon okey na lahat wala ng drops at malinaw na mata nya . cebu doctors hospital cya kasi mas mahal ang lasik sa davao city. mas mura dyan sa manila.