mahirap maging single parent. una sa lahat hindi namin ito pinili o ginusto. minsan napipilitan nalang kaming maging mag-isang nagtataguyod ng pamilya kaysa makisalamuha sa taong hindi ka kayang panindigan, mahalin, respetuhin, at tulungan. hindi namin pinangarap ang broken family, pero kung ito lang ang paraan para masigurado ang kaligtasan ng mga anak, at ng damdamin naming mga iniwan.
sorry, napag-isip isip ko lang. hirap kasi ng sitwasyon ko. akala ko nakapagmove on na ako pero hindi eh. sa tuwing naiiisip ko na broken family meron ako, nakakaiyak, nasasaktan ako para sa anak ko.
Nasasaktan ka lang sa ngayon. Pero kapag nasa tamang isip na ang anak mo, maiintindihan niya, magiging inspirasyon yun sa kanya at hinding hindi niya hahayaang matulad ang sitwasyon mo sa kanya, isang bagay na nanaisin mo pagdating ng panahon.
Ang isipin mo na lang na blessing ang baby mo.. karamihan ng friends kong babae single parents din pero pinipilit nyang itaguyod yun baby nila na masaya.. mahahanap mo rin ang right person na matatangap ang pagkatao at sitwayon mo.. bata kapa magfocus ka lang muna sa baby mo ganun lang..