Bukas na naka-schedule pirmahan ni BBM itong bill. Pagkapirma ipa-publish sa Official Gazette. Fifteen days hihintayin after ma-publish sa Official Gazette o sa diyaryo yung napirmahang bill bago tuluyang maging batas. Pagkatapos nun may maximum na 90 days ang mga agencies na magpapatupad ng batas para gumawa ng implementing rules and regulations. Ipa-publish ulit yung IRR at maghihintay ng 15 days bago simulan ipatupad.