What's new

Closed Share...😎😎

Status
Not open for further replies.

westraxx

Forum Veteran
Joined
Jul 24, 2016
Posts
1,799
Reaction
1,530
Points
736
Age
41
Anu ang extrajudicial feelings?Yung feelings na hindi dumaan sa due process. Yung feeling na biglaan at hindi ka handa, narito ang ibat-ibang uri ng extra judicial feelings:

1.
Loving in Tandem- mahirap daw mamangka sa dalawang ilog. Pero hindi ba mas mahirap sabihin yung “pak ganern!” habang umiinom ng tubig? Just saying.

2. Oplan tok-hang-Yung pinadama sayong espesyal ka, then bigla ka nalang iiwanan sa ere at kelangan mong mag pretend na hindi ka apektado.Kaya wag na kayong magtaka kung bakit mas lalong dumadami ang troll sa social media.

3. Seendikato- magpasalamat tayo sa pagkaka imbento ng seen sa facebook, dahil ito na mismo ang nag sasabi sayong balewala ka sa isang tao.Aray ko bhe!

4. Umassacre- ang dahilan kung bakit nag i-exist ang salitang “*****” ay dahil sa mga taong mahilig umasa. Kung mahirap parin para sayo ang lahat, tandaan mo lang yung kanta ni Elsa…Let it go
.
5. Summary EXecution- yung kakilala mong gangsta sa pag-ibig.Naka tatlong move on na si Taylor Swift, siya hindi parin maka move on sa ex niya.Anu yan,may pa contest ba sa baranggay?

6. Pat session- short for patangahan session. Yung broken hearted ka tapos hihingi ka ng payo sa mga kaibigan mong broken hearted din. Ayos, parang kumakain ka ng ampalayang sinawsaw sa asin.

7. Vigilandism- the act of making landi moves into someone without legal authority because the justice system in so called pag-ibig doesn’t exist.

8.User- yung parang mga friends mo.Pero madalas parang ikaw.

9. Pusher- gamit ng mga baklang manikurista para tanggalin yung mga dead cells mo sa kuko.Joke!.

10.Republic Act 9165- ito yung nararamdaman ng crush mo para sayo.Hindi mo alam.

11.Ninja cop- yung bespren mong hokage na protektor ng ex niya at mahilig mag recycle ng feelings. Mambabasura lang .

12. Deadma on the spot- yung kaharap mo na pero para kalang naglalakad na paso sa paningin nya.Deadma.At ang matindi pa nun eh hindi man lang niya napansin yung bangis ng pagkaka-kilay mo bes.

13.Dead on karrival- karibal mong mapera,may kotse,edukado,may sense of humor pero panget.Tapos ikaw panget lang talaga eh.

14. Human rights violation- pag nilamon ka ng iyong sistema, lahat ng bagay kahit hindi makatao ay gagawin mo.Katulad ng karumal dumal na pagpatay…ng feelings at ala-ala.

15. Shabu love-boratory- sa shabu pag nanlaban ka, isang araw mamamatay ka. Pero subukan mong lumaban sa pag-ibig, araw-araw kang mamamatay.

16. State of Lablessness- idinideklara pag sobrang tagal ka nang walang lablayp. Yung tipong wala ng friction ang daluyan ng ihi mo at tinutubuan na ng luya yung singit mo.

17. Extrajudicial Kilig- pag yung kinakarengkeng mo eh kumarengkeng back sayo kahit may dyowa na siya. Hindi ko na kelangan i-explain pa, talent mo to.

18.Shoot to feel – minsan kelangan mo lang
talagang malaman kung papaano masaktan ng husto ngayon para malaman mo kung papaano ka mas masasaktan bukas.Ansaveh!

19. Change is coming- yung malayo pa ang december, pero ramdam mo na ang panlalamig sayo ng karelasyon mo.Mas malamig pa sa split aircon unit ng opisina nyu.

20. Nandedelima- barkada nyung mahilig mag Tita moves. Galanti sa boypren. Namimigay ng pangkabuhayan package at pang down ng motor.
Anu ang moral lesson? Wag kang manlaban. Wag mong damdamin yung damdamin. Easyhan mo lang tohl. We only live once. Walang undo na command ang buhay kaya wag mong sasayangin ang isang bagay.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top