Diana mercado
Honorary Poster
- Joined
- Nov 7, 2022
- Posts
- 753
- Reaction
- 335
- Points
- 199
Share ko lng tawang tawa ako sa nangyari kanina eh. Kanina habang naglalakad ako dito samin, may nakasabayan akong babae, tapos sa gilid banda kung san kami dumaan may bahay, tapos yung bahay is maraming naka tambay na lalaki, tapos nung dumaan yung kasabayan kung babae tinawag sya nung mga lalaki na "hoy babae na naka yellow ano dw pangalan mo kasi ang ganda mo dw sabi ng tropa ko. Naka yellow kasi yung babae kaya yun ang tawag nila. Natawa lng ako kasi hindi sila pinansin ng babae dinaanan lng sila kaya ayun napahiya yung lalaki na nagtanong kasi hindi sila pinansin. Grabe hindi ko akala na may ganyan palang lalaki na ang kapal ng mukha tumawag ng babae para lng tanungin ang pangalan buti sana kung sila lng tao eh, kaso hindi maraming tao kasi daanan yun. Kumbaga parang pinangalandakan lng nila kalandian nila May ganyan ba talagang lalaki na parang na sobrahan sa confident? kasi para saming mga babae hindi lahat pero madalas, mas trip pa namin yung mga lalaking nahihiyang lumapit at makipagkilala eh kaysa yung mga lalaki na bigla bigla nalng kaming tatawagin para itanong ang pangalan namin like feeling close lng? As if nmn ibibigay namin name namin kung ganyan approach nyo samin no. For me parang ang bastos lng na tatawagin ka para lng itanong pangaln mo yung iba nga naninitsit pa eh we'll share nyo na opinion nyo dito. And share nyo nadin dito boys kung nagawa nyo nato and girls share nyo narin dito kung may gumawa na sa inyo ng ganto