What's new

Poll Save her or not?

ililigtas ko ba siya sa kahihiyan?

  • Total voters
    3
Status
Not open for further replies.

yzelglen

Forum Veteran
Joined
Jan 9, 2016
Posts
1,646
Reaction
2,367
Points
631
May kapatid ako, itago nalang natin sa pangalang Annica. September 30 nung nagbreak sila ng BF niya. Then nung Oct. 2, may nagpadala ng pera sa kanya, agad naman siyang umakyat ng Baguio. Nagtext lang kay mama na aakyat lang siya at uuwi din ng gabi pero kinabukasan na siya umuwi.
Nung October 9, 7am ng umaga, dumating dito yung guy (DANIEL). Dito natulog maghapon. Di ko na alam kung ano mga nangyari kasi may trabaho ako. Umalis lang nung patapos na ang TV Patrol Northern Luzon.
Kanina, sanibi ng titaa ko na nikikita daw nila ng mga kasama niya yung mga post ng ate ko. Doon niya nalaman na may anak si Daniel at nagsasama parin sila nung babae(SHERA).
Ako naman si naninigurado, hinanap ko FB ni Daniel. Nakita ko na barkada pala ng pinsan ng ama ng baby ko. Kaya tinanong ko siya(Vin) kung kilala niya si Daniel. Sabi niyang barkada nga niya at nakita niya lang kanina na magkasama sila ni Shera.
Inistalk ko si Shera sa Facebook niya at nakita kong former student ng mama ko.

Nag-aalala ako. Kung si Shera nagpost sa FB at pinahiya ate ko, baka pati mama ko eh idamay/madamay. Mataas posisyon ni mama sa paaralan nila.

May gagawin akong paraan para maghiwalay si Annica at Daniel. Kagaya ng ginawa ko dati, noong nakipagrelasyon ate ko sa driver ng pinsan ko. Yung lalaki eh may 5 anak, 2 ang anak sa unang 2 asawa, at tatlo naman sa huli. Ang ginawa ko noon, gumamit ako ng ibang number. Tinext ko ate ko, nagpanggap akong asawa nung lalaki. Sabi ko ipopost ko siya sa Facebook. Kahit mapahiya pa siya. Kung hindi niya titigilan yung lalaki eh idedemanda ko siya. Ilang araw ko din pinursige na paghiwalayin sila at nagsucceed ako. Siguro nga para sa iba mali itong ginawa ko pero sinave ko siya sa kahihiyan at sa pagpapalayas sa kanya ng mga magulang ko.

Gusto ko sanang gawin ulit yun. Pero nagdadalawang isip ako. Naiinis kasi ako sa ate ko. Sobrang laki ng inis ko sa kanya. Wala na ngang trabaho, di pa naglilinis ng bahay, pati anak niya di niya inaasikaso. And she cursed me na hindi na daw ako makakapag-aral kahit kailan. I want to let karma hit her so hard. Nung una sinasabi ko sa sarili ko na wala akong pakialam kung mapost siya at mapahiya. Para matauhan naman siya. Pero nung nakita kong friend ni Shera si mama, at formr student ni mama si Shera, nalilito na ako kung isasalba ko ba ang ate ko or pabayaan ko na. Kasi hindi lang siya ang maaapektuhan, pati mga magulang ko.
 
Hirap naman po n'yan, kasi parang nasanay ang ate po ninyo siguro kaya gumanyan. Kahit ilayo niyo po siya ngayon sa guy nayan, if hindi magbabago ang ate po ninyo, eh may darating pa rin na pamalit. Kung baga parang cycle lang siya.

Try this quote;
Give a man a fish and you feed him for a day; teach a man to fish and you feed him for a lifetime.
 
Hirap naman po n'yan, kasi parang nasanay ang ate po ninyo siguro kaya gumanyan. Kahit ilayo niyo po siya ngayon sa guy nayan, if hindi magbabago ang ate po ninyo, eh may darating pa rin na pamalit. Kung baga parang cycle lang siya.

Try this quote;
ipinagpalit siya nung guy noon buntis pa siya. pero this is not right. sisira siya ng isang pamilya?
 
ipinagpalit siya nung guy noon buntis pa siya. pero this is not right. sisira siya ng isang pamilya?
Ang situation po is that she feels / felt love on the guy than with her family (on her viewpoint). Siguro 'pag uwi niya sa bahay sermon agad ang sasalubong sa kanya. She felt happy, accepted, and comfortable with the guy. Kaya mas pipiliin niya ang gano'ng situation (Based lang po sa story niyo, not really an expert, sorry)
 
I know how hard my parents to us. Nasesermonan kami noon pero sabay-sabay kaming magkakapatid lalo na kung nag-aaway away kami. I tried to find love from others too kaya nagkaroon din ako ng anak, hiwalay kami but I found love from my son. Siya? I think she despise her daughter dahil di man lang niya maasikaso at kayang mahalin anak niya. Parati siyang napapagalitan kasi di niya pinapansin anak niya. Mas inuuna niya fame niya sa Facebook bago anak niya. bf
But that doesn't mean she must have an affair with someone who have a family. Kahit di kasal si Daniel at Shera, nagsasama parin sila. Alam naman natin na kapag ang legal ay nalaman na may kabit ang kinakasama, gather evidences then post in social media. Kung hindi ko sana nalaman na former student ni mama si Shera, I will let karma do its job. Pero may possibility na idawit name ng parents ko eh. If she knows how to handle her Ex BF politely, siguro hindi nakipagbreak yung ex niya sa ate ko. Ikaw ba naman ang inoras oras sisitahin kung saan ka. mumurahin ka at sasabihan na magsorry ka. Siguradong hihiwalayan ka nung guy. If she wants someone to love her, and how she want it to be, sana yung walang tali, walang sabit.
 
Ok, so nasa wrong side po siya kung gano'n. Ang sakin lang po ts, napagdaanan mo rin kasi, so maiintindihan mo po siya? Kung ano po 'yong nararamdaman niya? 'di po ba?

Siguro one time naka-experience naman tayo na naghahanap ng attention pero rejection lang ang nakuha sa taong nilapitan natin. Kaya do'n tayo napunta sa taong makikinig sa'tin eventhough 'di natin alam ang intention nila as long as we can escape loneliness.

So in summary, mali siya, and nakikita mo na po ang patutunguhan niya. So ang tanong, with that ability of yours, paano mo gagamitin 'yan; to help her and to help your family? How? Are you still gonna focus on the blame game?
Kung sinong may sala? Kung sinong mga involved?

Are you gonna spend your time stalking? backstabbing? overthinking? Mahirap 'yan ts. Mahirap as in. But your thoughts are killing you, change it, for the ones who's important to you, and for yourself. :)
 
Last edited by a moderator:

thank you. but I'm still confused. I don't know how should I do it. Gusto kong makipagconchaba kay shera. Pero di ko alam magiging reaksyon niya. I want to save her but I also want her too experience a lesson that will change her life. Gusto ko siyang mapahiya pero gusto ko din isalba name ng parents ko. Uulit ulitin lang niya yan kung nandito ako na gagawa ng paraan para maayos buhay niya.
 
Last edited by a moderator:
No ts, be the end of the chain of hatred. I suggest for now to calm yourself, and call it a day. Before you go to sleep, please drink a lot of water and take a bath, that would settle your body heat. Then rest na po muna kayo.

Just think of something beautiful and happy memories. 'wag mo munang isipin ang katayan sa smart at globe. Hahaha :) Just lighten up the mood.

Have a rest muna ts, ok? :)
 
Last edited by a moderator:
Medyo pinapahirapan mo ata sarili mo ts kahit alam mo naman sa sarili mo kung ano dapat gawin.
Kahit anong inis mo sa ate mo dapat mo siyang protektahan, ate mo yan e. Paghiwalayin mo nalang sila. Pag sinira ng ibang tao image ng ate mo kala mo ba di ka madadamay? Saka ito nalang din isipin mo pag nasira siya o anong mangyayari magtitino ba after?
Pinapairal mo lang init ng ulo mo, imbes na makatulong ka mas lalo lang gugulo.
Sa huli, kayo kayo lang din naman magdadamayan pag nagka problema.
 
Bakit po hindi nyo pag usapan muna with your parents at kailangan kalma lang kayo lalo na parents mo with that po pag usapan nyo kung ano ang mas maganda kung masabi mo sa parents mo ang sitwasyon ng ate mo po (kayo muna then with your sister).Mas maganda munang kausapin nyo din ng maaus yung ate mo yung kayo lang mas maganda kung sa bahay lang. And ask her kung ano pa ba ang problema siguro may pinagdadaanan lang siya na hindi niya masabi sa inyo.If hindi pa din talaga pumayag ate mo at pagpilitan yung gusto niya na.Next step is kausapin nyo yung guy wag nyo muna damay ung kinakasama nung guy. kausapin in a way na hindi pasugod or pagalit.Baka yung guy na ang kusang humiwalay diba?(malay natin bakit di tayo mag risk ng way na ito.)Sino ba naman kasi ang magulang na gustong mapunta sa hindi mabuti ang kanyang anak.
And to your ate naman kung sakaling maging ok ang solusyon na ito mas mabuting mahalin muna niya sarili at anak niya bago siya magmahal ng iba hindi naman masama ang magmahal kahit na ito ay may sabit (ang mali lang ay may kinakasama pa yung lalaki ang labas niya dito ay kabit)..

i think may problem siya sa naging ama ng anak niya baka kaya di niya din ito matanggap...kaya siguro siya nagkakaganyan(Heart to heart talk )
Opinyon ko lang po ito ahh...
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top