What's new

Help Saan Pwede i report ang client na hindi nag bayad ng order o utang?

Triple_A

Eternal Poster
Established
mga ka phc need help lang sana. paano or saan ako pwede mag report ng taong hindi nag bayad ng order online or utang.?

note: kilala ko yung tao nag order at alam ko rin add. ng bahay nila, ilan beses nangako na magbabayad pero pag dating ng araw na usapan mag dadahilan ulit mga 6times hangang ngayon hindi na nag paramdam.

Salamat mga ka phc
 
Ang una mong dapat gawin ay makipag-ugnayan sa taong may utang sa iyo. Pakiusapin mo siya na bayaran ang kanyang utang at kung hindi pa rin siya nagbabayad, sabihin mo sa kanya na magkakaroon ito ng masamang epekto sa inyong relasyon at maaaring mag-file ka ng legal na kaso laban sa kanya.

Kung hindi ka makapag-usap sa kanya o hindi ka pa rin nababayaran, maaari kang mag-file ng complaint sa mga ahensya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI), Department of Justice (DOJ), o sa Barangay Hall. Maaari rin kang mag-file ng kaso sa small claims court kung ang utang ay hindi tataas ng 200,000 pesos.

Kung mayroon kang ebidensiya ng mga pangako na hindi nito tinupad at mga mensahe o mga email na nagpapatunay na mayroon siyang utang sa iyo, magdala ka nito sa mga ahensya na itinuturing na mga ebidensiya ng mga kaso tulad nito.

Tandaan na sa pag-file ng kaso, dapat kang magkaroon ng sapat na ebidensiya upang suportahan ang iyong kaso at maaaring magastos ka rin sa proseso ng paghahabol ng utang.
 
Pwede ka mag-file ng kaso sa small claims court sa MTC kung saan ka nakatira. Mas madali lang mag-file, di na kailangan ng abogado. Konting oras at common sense lang kailangan. Mas mura filing fee o pwede ring libre kung may certificate of indigency ka mula sa barangay. Google mo lang mga detalye.
 
if un-documented transaction wala ka na magagawa
sa text lang po kasi reg.costumer ko nmn yun, ang nanyari kasi send gcash daw pag dating ng items at busy daw,so pinadala ko na yung items na order nya kaso after 1 day puro na dahilan hangang umabot na ng 3months, nagka prob daw kasi sya buong jan.kaya pinagbigyan ko kasi naaawa nmn ako at baka totoo kaso wla eh. ilan beses na nangako pero wla talaga.
 
Back
Top