TS, matagal mo na bang nadelete yung mga files? Kung isa o dalawang araw pa lang, posibleng ma-recover mo pa. Pero kung inabot na ng linggo, tapos nag-save ka pa ng mga bagong pictures o videos, maliit na ang chance na ma-recover yung mga files.
Subukan mo rin baka sakaling may makuha ka pa:
1. ZAR X - Windows application ito, i-allow mo yung USB access sa phone mo, connect mo sa computer tapos gamitin mo yung Image Recovery button to scan for deleted files.
2. Recuva - Windows application din ito, i-allow mo rin yung USB access sa phone mo, connect mo sa computer, identify mo kung anong file types ang i-scan tapos proceed to scan na.