Isa sa mga benefits ng custom roms over dun sa stock rom ng isang phone lalo na kung Xiaomi yung phone ay yung lightweightness (less bloated kumpara sa stock) at stability. Mas may control ka sa software ika nga at mas madali yung pag root ng phone.
Pero syempre may downside din yung paggamit nung custom rom, kasi hindi lahat ng phone merong "specific build" para sa mga unit na yun at yung pag update ng custom rom ay didipende sa maintainer ng nasabing rom. Kung gumagamit ka ng mga banking apps tulad ko, medyo maha-hassle ka kasi allergic yung mga bangko sa rooted/jailbreaked na phone.