What's new

Closed RANDOM THOUGHTS & SPOKEN POETRY

Status
Not open for further replies.

Jowable

Honorary Poster
Joined
Mar 16, 2019
Posts
227
Reaction
61
Points
154
=CTTO=

Bakit kailangang makilala mo ang taong magpapatibok ng puso mo
Pero hindi naman pala para sayo?
Para saan ba siya?
tagahilom ng sugat ng nakaraan?
O para dagdagan ang sakit na naranasan?
Paano mo nga ba ipaglalaban ang taong mahal mo
Kung alam mo sa umpisa pa lang talo ka na?
At kung ipaglalaban mo man
madami kang taong masasaktan

Alin nga ba ang mas mahalaga kasama mo
ang mahal mo pero mali
Kaysa hindi mo siya kasama kahit mahal ninyo pa ang isa't isa
dahil yun ang tama
Bakit nga ba minsan kahit may mahal ka na
hindi mo maiwasan magmahal ng iba?
Dahil ba may pagkukulang siya
Sabi nila kung talagang para sayo ang isang tao
mawala man siya sayo ng mahabang panahon
Mag kikita pa rin kayo alam mo kung kailan?
Kapag tama na ang mali at kapag pwde na ang hindi
==============================================

Bakit may dalawang pusong pinagtagpo
pero sa huli hindi naman tinadhana?
Bakit may pagmamahalan hindi happy ending?
Bakit may taong mamahalin mo
ng sobra pero hindi naman para sayo?
Bakit hindi mo maiwasan makulong sa alaala ng kahapon?
Iniisip mo na sana siya na lang ang nakatuluyan mo
sa bawat salita may panghihinayang sa puso mo?
Na kung pwede lang sana ibalik ang nakaraan madaming kang bagay na itatama.
===============================================================

Pinagtagpo man tayo ng kapalaran
pero sa huli hindi nman tayo tinadhana
Salamat dahil sayo mas naging BETTER person ako
Salamat kasi sa sakit na naranasan ko
mas naging matatag ako para harapin ang bukas
Salamat naging parte ka ng buhay
Hindi man ikaw ang kapalaran ko
Babaunin ko ang mga msasayang araw na nakasama kita
=============================================

Mahirap mag paalam sa taong pinaka minamahal mo
Pero ang mas mahirap tanggapin ang katotohanan
na hindi na kayo pwedeng mag sama ulit
Minsan nakakapagod din pala na ipaglaban
yun taong walang ginawa para ipaglaban ka.
Mahirap i-give up ang feelings mo sa isang tao
pero minsan kailangan gawin kahit sobrang sakit
Pero ang tunay namasakit yun aminin mo sa sarili mo na
Ang ginive-up mo ay yun taong alam
mong makaka pagpaligaya sayo
Pag mahal mo talaga ang isang tao
kahit ano mangyari hindi mo siya iiwan
Hindi pala ganun pag mahal mo pala talaga siya
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top