di ko masabi kung may delay ba talaga sa casting ng skills o di ko lang pansin. medyo naguguluhan ako kung may epekto to sa kabuuan ng laro mo. nakaconverge ako using wifi repeater sa Tita ko katabi ng bahay namen..
ano sa tingin nio mga ka-PHC ? sana may matinong sagot o sure na sagot. sa mga nakakaalam talaga.
Masyado mataas Router Latency and understandable naman kasi naka repeater ka. Mabilis naman connection mo. Basta below 100ms is maganda for gaming. Young Router Latency lang problem dyan, kasi yung latency mo is yung time na nagsesend and receive ng data yung phone at router. Which is understandable kung gumagamit ka repeater ganito mangyayari sa data
PHONE > REPEATER > ROUTER >INTERNET
So medyo matagal sya makarating sa router, base dyan, almost 1 sec. Medyo complicated na pag inexplain pa in depth. Well basically maayos and internet connection pero yung time para matransfer ang data from phone to router and router to phone is medyo may delay, maraming pwede cause nito, pwedeng distance, or maybe may problem sa router mismo, in which case try mo muna restart or problem sa phone, may other reasons pa, pero from what I can see, parang distance ata at dami ng nakaconnect ang problem sa high latency ng router. Medyo makaka experience ka ng konting delay
It's fine lang naman if ok naman sayo. Pero in my opinion, kung mababa latency, mas maganda experience mo sa game, kasi mabilis ka makakarespond sa sitwasyon sa game and bawat tap mo mabilis sya gagana. Example is pag gamit ng 2nd skill ni chou, if sakto timing maiiwasan mo karamihan ng crowd control, so if may delay, pwedeng di mo maisakto ang timing nya. Another example is yung flicker, kung tatakas ka or susugod, pag may konting delay pwede di ka maka flicker agad and mamatay ka, or if susugod ka, if may delay pwede ma late ka sa pag sugod and makatakas ang kalaban. For gaming kasi every millisecond is important para sa smooth gaming.