Kabibili ko lang ng PLDT Prepaid Wifi, tapos nagulat ako, 5yung naka connect at 10 yung disconnected na gumamit din ng net.
Strong na password ko niyan hah.
Malamang may butas sa WPS 'tong router na 'to. kaya yung mga techno-kiddies na "häçker" nakaka connect gamit yung "WPS tester" na app.
Wala namang option para i-disable ang WPS pin entry.
Sorry sa late reply, ginagamit nila yun para maka connect kahit di alam password, kaya yung una mong sinabi.
Nag bru-bruteforce lang yun ng default WPS pins, diretso connect na kapag yung na input yung default ng router.
Di ko rin sure kung yun yung ginamit ng mga loko sa pagsabit sa internet namin,
alam ko lang, halos lahat ng mga "häçker" sa amin, ayun yung naka-install.