naramdaman ko lang toh, . .. parang sarap magkaron ng kaibigan na anjan lagi ... bestfriend ..
kahit mga kaibigan talga na totoo, na anjan aayain ka sa ganto ganyan , pasyal, apply sa ganto ganyan .. bonding bonding..
di ko kasi naranasan yan...
school-tindahan-bahay kasi ako nun .. wala kasi kami nun, kaya kahit nung nag aaral ako sa college hindi ko nagawa makipag bond sa classmate kasi kelangan kumita
kelangan tumulong sa pagtitinda ..
kahit ngayon woring na me, di ko nagagawa makipag bonding sa mga workmates ko kasi nasanay na ko mag isa .. pede naman ako sumama sa kanila pero parang mas gusto ko mag isa , ako lang ...
Walang masama sa pagiging mag isa bro basta wag mo lang i-limit sarili mo na palaging mag isa. Pwede ka naman maging mag-isa pero friendly ka, ngiti ngiti lang sa paligid mo hanggang sa may konting usapan na at dun ma a-adapt na ng self mo na makipaghalubilo at magkaroon ng kaibigan.
Ako e madami naman kaibigan, wala nga lang ako masasabi na best friend. Hindi din kasi ako yung tao na nakakapag-open up sa ibang tao. It feels awkward to me na magkaroon ng isang heart to heart talk sa ibang lalaki. Ayoko din naman magkaroon ng girl best friend, mas awkward na naman yun kung may boyfriend yung babae HAHAHA. So yun, hanggang friends lang talaga meron ako. Siguro close friend lang, mga tunay na kaibigan. Bihira lang makasama kasi magkakalayo kami.
Tho kahit ganon, happy naman ako sa buhay ko. Basta importante e hindi ka nag-iisa sa buhay
maybe not your thing. you find peace when you're alone. wala naman masama dyan. ok lang yan. pero wag mo din pigilan yung mga tao na gusto pumasok sa buhay mo ts. makakahanap ka din ng mga totoong tao na tatanggap sayo
Walang masama sa pagiging mag isa bro basta wag mo lang i-limit sarili mo na palaging mag isa. Pwede ka naman maging mag-isa pero friendly ka, ngiti ngiti lang sa paligid mo hanggang sa may konting usapan na at dun ma a-adapt na ng self mo na makipaghalubilo at magkaroon ng kaibigan.
maybe not your thing. you find peace when you're alone. wala naman masama dyan. ok lang yan. pero wag mo din pigilan yung mga tao na gusto pumasok sa buhay mo ts. makakahanap ka din ng mga totoong tao na tatanggap sayo
ako nasanay na rin mag isa. lalo na noong mga panahong nasa elementary at jhs ako. tapos introvert pa naman ako. may nakakasama namang kaibigan pero dahil sa takot ng nabully ako noong elementary parang mas bumababa pa yung pakikisama ko noong jhs ako. nabubulluly parin.
mahirap din paniwalaan ang isang taong malapit sayo. parang hindi rin ako kampante na magiging bestfriend ko na siya talaga o hindi. maraming beses na rin kasi ako naloko ng mga kaibigan eh. sa simula mabait bait kapag matagal tagal ko nang kasama yun pala hindi magandang pakikisama sakin.
hindi lang másáráp magkaroon ng bestfriend na laging maasahan. kundi mas másáráp pa kung mag karoon ka ng bestfriend na babae tapos magiging jowa mo na rin. never ko rin naranasan yan ts.
sana balang araw mag karoon tayo ng bestfriend na girl at magiging girlfriend mo na.
Alam pareho tayo ng pinagdaanan,
May kakilala pero walang kaibigan,minsan tinatanong ko sarili ko, baket sila may kaibigan ako wala. Buhay nga naman Parang Life..
Normally kasi ung bestfriend paiba iba yan over time. Depende kung sino ung madalas mo makasalamuha, common interests, etc.
Pero dahil sa incapability ng tao mag-move on sa buhay, "bestfriend" becomes a thing out of loyalty. So in a sense, meron mga bestfriend ang nagiging cause ng inability mo mag grow as a person. Yung mga bestfriend who refuse to grow. Dahil sa loyalty na yan, kailangan mo balik balikan ung sarili mo nung mag beatfriend kayo.
Pero syempre, maganda din ung meron kang healthy friendship na madadala mo hanggang pagtanda. They are very rare though.