What's new

Tutorial Paano ba bumili ng sariling lupa

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
6 Steps Bago Bumili ng Lupa sa Pilipinas

Step 1
Unang-una basta't dumating yung ahente (real estate agent) o kaya yung may-ari ng lupa at sinabing pinagbibili niya ang LUPA niya, ang UNANG KUKUNIN MO ay yung kopya ng TITULO.

Sapagkat dapat mag-imbestiga ka doon sa REGISTER OF DEEDS. May xerox copy ka ng titulo ng lupa, pupunta ka doon, Kasi malay mo may mga PASANIN (problema) yang lupang yan: nakaprenda/nakasanlamay nagki-CLAIM na iba Dapat makita mo yon. Dapat malinis. Sapagkat yang kopyang yan dapat eksaktong-eksakto doon sa kopya ng Register of Deeds. Hindi sila nagkakaiba. Kaya malalaman mo kung PEKE, may mga PASANIN, o kaya may mga PROBLEMA ang lupa.

Step 2

Kumuha nang Geodetic Engr para mag Sagawa nang Relocation survey sa Mga Boundaries para ma check kong ok ba ang Actual ground wala bang structure or Fence sa Kabilang lot na lumagpas.. Sa Property na iyung Bibilhin.

Step 3

Halimbawa't nakita mo na, na wala palang problema, ok ang ganda, mag-eexecute kayo ng DEED of SALE na tinatawag. Pagka nag-eexecute kayo ng DEED of SALE o "Kontrata ng Pagtitinda", pipirmahan nyong dalawa, nung nagtitinda at tsaka nung bumibili at inonotarized yon.

Step 4
Within 1 month from notarization, magbabayad ng unang bayad. Ang tawag dun, DOCUMENTARY STAMPS. Dapat bago matapos ang buwan ng pagpipirma, magbabayad ka ng DOCUMENTARY STAMPS.

Step 5
Pagkatapos nun, yung nagtinda, sya rin ang magbabayad ng tinatawag na CAPITAL GAIN TAX. Kasi kumita siya, magbabayad siya sa BIR.

At ang BIR ang mag-iissue nung CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER, isang certification na sinasabi sa Register of Deeds na bayad na yan ng lahat ng mga taxes at pwede mo ng ilipat ang pangalan ng titulo dyan doon sa bumili.

Step 6
Basta nakita mo na yan (CERTIFICATE OF AUTHORITY TO REGISTER), dadalhin mo yan sa Register of Deeds, yun ang huling yugto. Sasabihin ng Register of Deeds, heto ang huling bayad, Transfer Fees. Pag bayad na yon, hindi masyadong mahal yon, hayan na, kukunin na ng Register of Deed lahat..

Isusurender na ang OWNERS COPY ng titulo at maghihintay ka na.At Yan kelangan mo Ng follow up..Dahil nga sa registers of DEEDS ay medyo tatagal yan,kaya kelangan lang ng follow up Ng follow up...

Ctto...
 
Back
Top