What's new

OREGANO: Mga sakit sa balat na kayang lunasan ng halamang ito.

Mau05

Addict
Joined
Sep 9, 2019
Posts
87
Reaction
23
Points
79
Alam natin na ang halamang oregano ay mabisang panlunas sa ubo ngunit hindi lang yan ang kayang lunasan ng halamang ito ibabahagi ko ang ilang mga sakit na nagawang mapagaling ng mga dahon nito,ang mga naturang sakit na babanggitin ay yung mga tried and tested na years na naming ginagawa sa pamilya,kaya kung epektibo sa amin ang gamot na ito,hindi ko masisigurong ganun din sa inyo,muli po ito'y mga paunang Lunas lamang.


Procedure:
1.Kumuha ng dahon ng oregano,hugasang mabuti at ibabad sa mainit na tubig sa loob ng 2-3 minuto para makasiguradong malinis ang mga ito bago gamitin.

2.Dikdikin o pigain ang mga dahon.
ang katas nito ang gagamitin sa pagpahid sa apektadong parte ng balat. Maaaring gumamit ng bulak para sa pagpahid,maaari din na derekta na lang na pagkuskos ng dahon para di tayo mapagod sa procedures 😄

KAGAT NG LAMOK O INSEKTO -pang pawala ng sakit at pangangati,ilang minuto matapos ng pagpahid. Maaaring ulitin ng ilang beses hanggang sa mawala ang pangangati.

NAMAMAGANG TIGYAWAT/PIMPLES - Pangpaimpis ng pamamaga at paghupa ng pamumula. Para di kailangang magtago ng matagal kay crush na puno't dulo ng pimples mo😝

NAPASONG BALAT TULAD NG NATALSIKAN NG MAINIT NA MANTIKA AT PAGKAKADIKIT SA MAINIT NA KALDERO O METAL -
Gawin lamang procedure sa itaas at ulitin ng 3 beses o higit pa sa isang araw. Kung marami kayong oreganong tanim sa bakuran ninyo at mayabong ang dahon,pwedeng damihan ang gagamiting dahon lalo na kung malaki ang paso,makakatulong itong maibsan ang sakit at mabilis magpatuyo ng napasong balat,maiiwasan din ang paglobo ng apektadong parte. Makatutulong din itong maiwasan ang scars sa napasong balat.
Muli po minor burns lang ang kaya nito,pag mas higit pa ay kailangan na ng kaukulang atensyong ng doktor.

GAMOT SA UBO - Alam nyo na this! 😆 para sa matitigas ang ubo at pangpa lambot ng plema lalo na sa mga bata.


Ang lahat ng ito ay paunang lunas lamang at magkakaiba ang reaksyon natin sa mga gamot,mainam parin ang pagkunsulta sa mga espesyalista.
Sana makatulong,salamat.

#GamotSaBalat
#GamotSaPimples
#GamotSaPaso
 
Ito bayan lodi samalat?

images (2).jpeg
 

Attachments

Back
Top