ginagawa namin yan noon,, naghahanap kami sa daan ng mga kable na naka kalat sa daan pagkatapos ay susunugin pagka uwi sa bahay saka ipapatimbang sa junkshop.. ang hirap talaga ng maging mahirap, kung hindi kami maglakad lakad at mamumulot ng mga plastic bottles ay hindi rin kami makakabili ng bigas para may makain.. Kaya sa mga kabataan ngayon payo ko lang, wag bibili ng mga bagay na hindi nyo naman kailangan. matutong mag ipon, wag gumaya sa mga taong one day millionaire.. mag ipon para sa future.
way back 2009 ata ito. noon may sindikato nyan dito sa lugar namin. mga kable ng ptnt.
sinusunog sa bundok. pag papalamigin na pumuputol lagi yung mga tropa ko. may mga pagkakataon ng nirorondahan na ng helicopter yung area para matugis yung nag susunog. minsan natapat na yung isa kong tropa nasa taas ng mangga habang nag hover yung helicopter takot na takot daw sya dahil panay ang hapay ng manipis na sanga na tinutungtungan nya.
pag nakakuha minsan tinatago sakin para safe. saka ibebenta pag wala ng posibleng makahuli. (kapit bahay lang kasi nila yung isang myembro) kaya nakakaparte din ako ng konti.