Lahat ng tv na gumagamit ng backlight ay prone sa backlight bleeding. Kung masyadong malala yung bleeding katulad ng sobrang puti sa corner or one spot ng tv mo, pwede mo yan ipagawa under warranty kasi baka may loose screw lang o di maganda pagka-salpak ng panel. Pero kapag medyo distributed yung bleeding both sa upper and lower part ng tv mo, sadly most of the time wala na talaga solution. Kung may pwede papalitan buong unit papalit mo na lang kasi kahit ilang beses mo pa ipagawa yan ia-adjust lang nila yung brightness ng backlight para di masyadong halata.
Samsung has already acknowledge this problem kaya yung ibang tv models nila ngayon may local dimming at full array na.
Mas halata nga pala yung bleeding kapag madilim yung room kung nasaan yung tv nyo kaya hindi man sya totally solution, pwede nyo ilagay sa medyo maliwanag na part pero walang glare para di masyadong halata yung bleeding.