Ang nangyari po kasi dapat i-foformat po namin tong hdd kaso di nga lang po ma-read yung USB na bootable sa laptop ko. Tapos ang ginawa po namin dun po namin finormat sa laptop ni Daddy po, tapos gumana po. Pagkatapos po ma-format nilipat ko po ule sa laptop ko yung hdd po then lumitaw na po yung No Bootable Device. Tinry ko na rin po linisin yung Cable tsaka yung ram gamit eraser. Gumagana pa din po pala yung HDD ko kasi na-try ko po sa ibang laptop, tinry ko na rin po yung hdd nung sa Daddy ko po No Bootable Device din po. Tinry ko na rin po i-search sa Google change UEFI to Legacy boot mode daw po kaso wala pong Legacy sa BIOS po ng laptop. Pano po kaya ito? Thank you po in advance!