wag po tayo magsasalita agad kung hindi natin alam talaga ang kulay nila.. Hindi lahat ng gumagawa nito at nagrarally ay mga dilaw.. Nakabatay po ito sa pangunawa at kamulatan ng tao.
Bakit hindi nyo kusang alamin kung ano ba talaga ang ang pinaglalaban nila at kung bakit sila galit sa US at China..
Sila ang mga estudyante na totoong naghahanap ng kaalaman dahil hindi lahat ng dapat mo matutunan ay makukuha mo lang sa paaralan. May mga kaalaman sila na hindi nyo pa natututunan dahil ang kaalaman ito ay hindi kaylanman itinuturo sa paaralan o sa media man. Hindi inilalathala o mapapanood man.. Pilit na tinatago ng gobyerno sa mamamayan.
Maging mismo sana tayo ay maging mapanuri sa nangyayari at kalagayan ng lipunan bago tayo maghusga.. Kung magagawa natin ito baka kayo na ang magsabi na ang akala natin tama ay mali pala at ang mali ay tama pala.
nagrereflect sa mga comments kung ano ang lebel ng pag-unawa ng mga tao sa lipunang kanilang ginagalawan , isang pagsaludo sa mga makabayang kabataan at mga iskolar ng bayan!